Single

Long Distance


Long Distance
Zikk
2012

Verse 1:

Dagat ang ating pagitan kaya di ka malapitan

Di mahalikan di matabihan at di masabihan

Ng harapan na mahal kita di ka mabisita

Di makita ng mata sa mata kaya may kaba

Na baka magkaiba ka pa't mag iba ka na/

Di magpakitat sabihin saking "mag isa ka na!"

Kasi may nahanap na't may ibang kahawak na

Ng kamay at kaakbay ay di ako mapalagay

Hindi mapakaling di ka katabi sa gabi

Di makatulog para bang akoy sabog sa kape

Sabi nga nila "pare ba't ka ba nagtitiis?"

Magbihis ka na lang tara tayo na'y mag Libis"

Pero nakakainis! Kahit gumigimik ako

Naiinip ako at kahit na pinipilit kong

Magliwaliw, di maaliw at di mapunuan ang kulang

Kasi sa gabi ang katabet yakap ko lang ay unan

At pag umuulan at langit di tumatahan

Nakakabuwang lalo na't puso'y kumakalam

Sa gutom sa halik at yakap mong di ko matikman

Kaya walang magawa kundi ang litrato mo'y tingnan

Kasi...

 

Verse 2:

Dagat man ang pagitan ay di yan mamagitan

Sa init ng pagmamahalan at sa pamamagitan

Ng tiwala maniwala ka walang makakasira pa

Wag ka nang maghinala pa at di ako sisira pa

Sa pangako, di ipapako di mapapagod

Maglingkod di tatalikod para matulog sa ibang bakod

Sa tukso di papahulog di papatalo sa libog

Kahit mamangha sa ibang hubog di mamamangka sa ibang ilog

Sapagkat kahit nasa kabilang dagat ka man

Di magagawang saktan ka kaya sumasagwan pakanan

At di na liliko to binabagtas iyong harapan

Ang puso ko di malilito to binibigkas iyong pangalan

Sana nga lang magkita na para di nahihirapan

Para di nag iiyakan at di naghihinalang

May iba ang isa kasi nag iisa at may ibang

Nagkalat dyang winawasak ating iniingatan

Pero wag mong bibitwan kamay ko hawak ka lang

At kung may manira man hay naku tawa na lang

Inggit lang sa atin ang mga walang karapatan

Na tayoy nagmahalan kahit pagitan ay karagatan



OTHER LYRICS

Blue Dream

The Motions
Curtismith
2017 Album

Tagumpay (feat. Mae Janelle)

Tagumpay
Southeast Cartel
2018 Single

Wag Kang Tus (Interlude)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Tag Araw

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Guhit Ng Palad

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

FEATURED ARTICLES