Single

Miracle Nights (feat. L.A. Goon$ & Peso Mercado)


Miracle Nights
ALLMO$T
Producer: L.A. Goon$
2019

Chorus:
Basta sa akin ka sumama na
Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayo mag sasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa
Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Verse 1:
Pinana na naman ni Kupido
Mukha na namang akong stupido
Pero ngayo’y di na malilito
Lalong lalo na ikaw at ako’y
Nandito sa tabi ngayong gabi
Magkatitigan ang ating mga labi
At para bang merong sinasabi
Nag-uusap ating mga katawan
Parang gusto nila maging kawatan
At nakawin ang kamay ng orasan
Iwanan, iwasan problema sa daan
Pag mapungay mata mo
Lumalabas ang ganda mo
Pero anong akala mo
Hanggang dito lang ito

Repeat chorus

Verse 2:
Ako nang bahala baby wag ka ng mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
Wag mong tignan kung ano mang maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama diba kumbaga
Wala na 'tong biro 
ikaw ang herong sumalo sa kada pagbaba ng negatibong
Naging dahilan ng matakpan mo ang mali ko
Di ko palalampashin ang sandaling ikaw lang ay nandito sakin
Talagang lumilitaw ang yong ganda
Pagnatapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala 
Kumapit ka saking kamay
Di kita ibababa 
Sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa
Simple pero napakahirap na mahanap
Swerte na kapag natapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng di na mawala pa ng maagap
Kung isang gabi lang din naman to pwedeng maganap ohh

Repeat chorus

Verse 3:
Yuh
Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa oras na hiram
Mahalaga sakin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa na may ibang makaalam
Gusto ko yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at ngiti mo lang kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan
Wag sana magmadali
Parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
Di na kailangang mabahala di ko yan pagsasabi yeah
Yuh
Wala nakong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na tong bitin pa
Tayo lamang dalawa, sakin tumingin ka
Dito ka lang saking tabi, ayokong umalis ka

Verse 4:
Mabilis o mabagal 
Halika dito sakin babe wag kanang umangal
Hindi naman ako magmimistulang sagabal
Ipapangako kong maganda ang aking asal
Gusto ka lang namang makatabi
Kahit pa na sandali, kahit pa ano ang gawin
Napakalakas ng dating mo
Sana nga'y gusto mo rin umaga hanggang gabihin
Ako lang at ikaw parin, ang galing no
Basta saakin ka sumama na 
kahit na ano pa saken ang gawin mo
Di na din ako maghahanap pa ng iba
Mga labi nalang lalaruin ko
Alam ko naman, na 'di ka na rin bibitaw
Sa ating nasimulan, eto teka lang naman
Wag kang mahiya
Dahan-dahang gumalaw, pakihinaan ang sigaw
Bagalan natin ang bitaw

Repeat chorus

Verse 5:
Parang may mga bagay na pumipigil sayo
Kitang kita ko kahit nakatingin ako sayo sa malayo
Pagbigyan ang katawan sa mga gustong maranasan
Wag nang pag isipan pa
Nandito lang 
Kung sakaling you wanna be with somebody
Languyin daanan pauwi
Palalimin ang gabi

Verse 6:
Oooh, alam mo bang sa isang ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nag sisilbing sandalan ko kapag ako’y nahihirapan
Kaya di na 'ko bibitaw
Kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo
Di ako mag lilihim
Kasi pinatunayan mo saakin na may pag ibig
Kaya wag kang mag tataka 
Kung bakit mahigpit ang hawak ko

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Raindance

No Saints Loading
MANILA GREY
2019 Album

AGAIN AND AGAIN (Remix) (feat. Al James & MBNel)

AGAIN AND AGAIN (Remix)
MANILA GREY
2022 Single

Damayan Mo Nalang

Damayan Mo Nalang
dnzlbrtnc
2019 Single

Dangerous

rear.view
One3d
2012 Album

Greetings

IDEAL
Curtismith
2016 Album

FEATURED ARTICLES