Single

Polaroid (feat. Kiyo & No$ia)


Polaroid
Alisson Shore
Producer: Alisson Shore
2018

Alisson Shore:
Parang panaginip, tayong dalawa
At ayoko nang magising, mahimbing na
Ang pagtulog, nahulog, nalunod
Nang nag iisa

Kiyo:
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ayoko nang magising
Pagka't gusto pang madama
Mga kundiman na tungkol sating dalawa
Pero ako lang ang may alam
Ipaalam sayo'y di na kailangan pa
Alaala na nasulyapan
Sa litrato ng aking mapaglarong kaisipan
Iniisip hanggang kailan sa tadhana'y makipagbiruan
Sa ideya na tayo at hindi sa panaginip lang
Kaya ganito nalang
Nakakabighani kapag tinitingnan ka lang
Mabuti nang ganito na lang
Andun ka lang, tinatanaw mga ngiting nakakasilaw
Naku po, kung alam mo lang
Kapag dumadaan, biglang ang bagal na ng lahat
Mga pasimpleng hawi ng buhok, nahulog agad
Saking isip ikaw ay kapiling at akin ka
Kung panaginip lang lahat, limang minuto pa

No$ia:
Tunay na masayang ngiti
Tumitig lang sayo nabighani, oohh
Pag nakita ang iyong larawan
Lungkot ay humahawi, ohh oh ohh

Alisson Shore:
Parang panaginip, tayong dalawa
At ayoko nang magising, mahimbing na
Ang pagtulog, nahulog, nalunod
Nang nag iisa

Alisson Shore:
Salamat at ako'y nagising
Sa isang bangungot na akala ko'y tulog na mahimbing
Naalimpungatan sa mga demonyong akala ko'y 
Akala ko'y kaya kong itumba 
Ngunit pinilit nilang ako'y malasing
Ni ang kwartong pinagsaluhan nating dalawa ay
Mismong siya na rin ang umiiling
Sa isang larawang nagsilbing ebidensya 
Na akala ko'y mapapag aralan mo rin akong mahalin

No$ia:
Magkasama tayo sa isang larawan
Nakangiti ka, habang ako'y nakatingin sayong mga mata
Sumagi bigla ang aking mga isipan na
Ang lahat ng ito ay isang kalokohan lang
Bawat oras iniisip kang makasama at
Pero lahat ng ito ay aking mga mahika
Lahat ng alaala nating dalawa
Alaala ko lang ang nakadarama



OTHER LYRICS

All Hallow's Eve (feat. Di$mal)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Pasulyap Sulyap

Ala Una
Apekz
2017 Album

Last Year (feat. D-Styles)

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Wala

Wala
JMara
2022 Single

Paligoyligoy (feat. Jim Dacanay)

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

FEATURED ARTICLES