Single

Mundo


Mundo
Migo Senires x Marc Mamuric
Producer: RS
2014

Hook:

Handa ka bang sumama (2x)

Tayo'y mag lalakbay (2x)

Patungo sa umaga (2x)

Nang mag kakaakbay (2x)

Handa ka bang sumama (2x)

Tayo'y mag lalakbay (2x)

Patungo sa umaga (2x)

Nang mag kakaakbay (2x)

Sa iisang mundo

Pareparehas naman tayo

Iisa lang ang punto

Magkakasama hanggang sa huli

Sa iisang mundo

Pare sa rehas ay talo

Iisa lang ang laro..laro..laro..laro

Sama sama para madali... dali... dali

 

Verse 1:

Laro? Ano tagutaguan? Masyado akong mahiyain

Ako? Yung tipong tahimik lang pero grabeng pagkamalikhain... kapag may

Sakunang dumaan kanya kanyang iwanan imbis magbayanihan

Iba't ibang sekta't ibang dayalektang dala ni bathala't amihan

Bagkos angkas sa isang bisikletang rekta dahan dahang bwe-bwelta

Masdan mo ang tanging galing, pwede kong ialay ang aking pwersa

Iba't iba man to pero pareho palaging kumpleto't walang iwanan

Akyat sa pedestal walang preno preno makipag sabayan sa sambayanan

Mata sa langit... paa sa lupa... wag mong hintaying humupa ang baha

Matuto kang makipag sapalaran..kahit gusot gusot nang yong mhuka

Kamalasan mo'y idura, maging pusitibo sa bawat gawa

Ipunin ang pawis, dugo, at luha ganyan talaga lahat sa umpisa, ha

Umpisahan na, at wag nang tigilan ang paglalayag

Iisang pwersang sasabak sa gera upang ang bandera ay maitatag

At ipapahayag, ko sa lahat na hindi pa laglag ang ating bansa

Talagang makamandag ang bawat kasama ang tanong ko sayo ay kung handa

 

Hook:

Handa ka bang sumama (2x)

Tayo'y mag lalakbay (2x)

Patungo sa umaga (2x)

Nang mag kakaakbay (2x)

Sa iisang mundo

Pareparehas naman tayo

Iisa lang ang punto

Magkakasama hanggang sa huli

Sa iisang mundo

Pare sa rehas ay talo

Iisa lang ang laro..laro..laro..laro

Sama sama para madali... dali... dali

 

Verse 2:

Dalian mo na diyan Juan, bilisan mo at baka mapag iwanan

Iyong tandaan sa laro na ito ay kailangan handang makipag tulungan

Upang... dumali ang pag lutang ng lupang lumubog dahil sa utang

Kaya mag kusang maging magilas at kumilos ipakitang pilipinas ay hinding hindi mauubusan

Ng matikas, matigas, at malakas, kapag ika'y Pinoy pangarap mo ay mataas

Kahit masakit at mapait ang nakaraan

Wala paring puot gusot oh lungkot na nakabakas

Basta't magkaisa, dapat walang iba, pagkat tayo ay parepareho

Ang pangkat ay iisa ang naiiba lang ay ang nag mamaneho

Walang preno preno mga lapis na purol ay simulan nang tasahan, mahusay naman yung nag mamaneho

Pero importante parin ang karanasan dalasan ang pagdarasal at tamang asal at talento

Mga proyektong pang marami at kunseptong pag inani'y talagang mamamangha

Puno na ang bangka ng iba't ibang paksa ang tanong ko lang sayo ay kung handa

 

Outro:

Handa ka bang sumama (4x)

Handa kabang sumama..handa kabang sumama sa iisang

Sa iisang mundo

Pareparehas naman tayo

Iisang mundo

Magkakasama hanggang sa huli

Iisang mundo

Pare sa rehas ay talo

Iisang mundo

Sama sama para madali... dali



OTHER LYRICS

Humanap Ka Ng Panget

Humanap Ka Ng Panget
Andrew E.
1990 Album

Afterhours

Failing Forward
Curtismith
2016 Album

Si Raul

G9
Gloc-9
2003 Album

Cornerstone

The Long March EP
Blue Scholars
2005 Album

Spinning

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

FEATURED ARTICLES