 
													Intro:
Isang daan lang tayo pare one way
Kita mo bunga ng puyat sa long day
Mga tumawa nung una, yon ang unang naiwanan
Nawalan kaagad ng tiwalang di namin 'to kayang patunayan
Chorus (2x):
We in the zone
Tignan mo kung pano ngayon kami mag-flex
Hintay dumami ang pera na naka-checks
Mag-abang ka na lang kung ano ang aming ne-next
And fuck the rest
Verse 1:
Hundred K dreams pare tinitira
Hanggang maging million ang aming kinikita
Kalat hanggang ibang bansa ang binibida
'tong patunay na wala nang imposibleng di makuha
Di lang to bukambibig
Ginagawa ang di mo inakalang marinig
Kahit pa hindi kami tiga Manila
Puyat pagod kasabay ng binabalak pa
Nung una di nagsawang magdilig hangga't hindi pa nagbubunga
Dating nakikitawa lang saming nasimulan
Ngayon nakikiisa na ang di kami kinamayan
Ba't ka namin isasama kung di mo nasaksihan 
Mga pinaghirapan namin bago 'to napuntahan
Repeat chorus
Verse 2:
Sawang sawa sa mga sinasabi ng iba
'kala mo tunay pero peke ang kinukuda
Di ko na kayang makipagplastikan sa kanila
Lalo sa mga tao na nanghihilang pababa
Dati walang pansin
Ngayon ko napansin
Ekis yung mga bobo
Kung makahamon walang dating
Ang babaw tumingin
Kayo na'ng magaling
Ayokong sumuporta matapos kang patalsikin
Ang dami, dami
Dami, dami na ninyo
Naririndi na talaga ako sa sinasabi niyo
Wala na 'kong pake kung sino man ang tunay sa inyo
Basta ginawa ko ang lahat
Matupad lang ang pangarap ko
Repeat chorus
Verse 3:
Akala niyo ba madali lang
Porke't meron nang nakitang umangat
Di mapakali umakyat
Kaya mas pinipiling manghila
Kami daw nagmamagaling
At least hindi yung mga napilitang
Sumabay bumitaw tapos sa huli
Biglang mas piniling mang-iwan
Andar naka primera, daming nakahilera
Hindi inaasahang mapabilang sa eksena
Kala mo kung sino magsidikta
Yung di nakikinig biglang bilib na 
Puro mga feeling neto na higit pa
Mga narating nila ngayon nabigla yeah
Kung iniisip niyo na hindi namin kayang sumabay
Dun kayo nagkamali
Wag niyo kami itulad sa inyo
Na puro panay
May mga hindi na tumigil sa kakabalita
Kaya di na nakaangat
Wala na kaming kinalaman
Kung hanggang ngayon kayo lang ang nagpapabigat
Repeat chorus
Verse 4:
Inubos na panaya lahat-lahat na pati pato
Para lang makuha ang simpatya ng mga tao
Maging usap-usapan teka nga lang maiba ako
Babawian mga tumawa noong nadapa ako
Kala mo mga perpekto
Tago lang mga baho
Nag-imbento, pa ng masama sa tao
Makuntento, na lamang sana tayo 
Para kapag nadapa may tumulong sayong bumangon
Nagsimula lang sa baba tapos ngayon ay fumi-flex
Giba ang stage kapag events, V.I.P. na di na guests
Daang libo 'gang milyones makikita naka-checks
Bagong hit song na the best
Mag-abang sa aming next
Repeat chorus
Outro:
Isang daan lang tayo pare one way
Kita mo bunga ng puyat sa long day
Mga tumawa nung una, yon ang unang naiwanan
Nawalan kaagad ng tiwalang di namin 'to kayang patunayan
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																												 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																	