Single

Opo


Opo
Shehyee
Producer: Thyro Alfaro
2023

Chorus:
Sabi ng nanay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala, kaka-kompyuter mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko, "Anak, itigil mo yan" (Sige, opo, oo na lang)
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang (Opo, oo ka lang)
Di niya maintindihan (Opo, oo na lang)
Pero okay lang yan (Opo, oo ka lang)

Verse 1:
Uh, pasensya na, matigas ulo
Um-oo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo
Sorry, gusto ko kasi talaga
Hindi ko pababayaan ang aking eskwela
Kaya wag ka mag-aalala
Ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
Kahit yayain ako ng kaklaseng mag-cutting ay hindi nagpapadala
Kaso lang sa paglipas ng panahon
Ihip ng hangin, nag-iba
Oh, pati perang pang-enroll na iyong padala, sa DOTA'y aking nadala

Chorus:
Kaya ang sabi ng nanay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala, kaka-kompyuter mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan

Verse 2:
Uh, pasensya na, matigas ulo
Um-oo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo
Sorry, gusto ko kasi talaga
Hindi ko pababayaan ang aking-
Ah, basta wag ka na mag-aalala
Ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
Nais ko lang naman kasi talagang mangyari ay gumawa ng kanta
Kaso lang sa paglipas ng panahon
Sa battle rap na napunta
Ito't ang inyong anak na inyong minahal, andoon at pinagmumura

Chorus:
Kaya ang sabi ng nanay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala sa kakarap mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

Refrain:
Sige, opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang

Verse 3:
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
"Anak, pag-aaral mo? Kamusta? May bagsak ka ba?"
"'Ma, marami, dalawa lang ang aking napasa"
"Joke lang, ma, paano babagsak eh di naman nag-enroll talaga"
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
"Anak, yang pag-rarap mo? Kamusta? Nananalo ka ba?"
"'Pa, palagi, ano ba 'yan, nagtatanong ka pa?"
"Joke lang, pa, sampu na ang aking talo, panalo ko ay dalawa"
Kaya malamang sasabihin niyo na naman sa akin, dapat nakinig na ako
Nakinig naman ako, hindi lang sumunod, eh, kayo, nakinig ba kayo?
Di ba ang lagi niyong sinasabi sa akin, "Dapat itigil ko na 'to"
"Hindi naman ako magaling sa ganito?"
"Magaling lang kapag gagawin gusto niyo"
Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag, hindi na agad ang sagot
Minsan, kahit hindi pa nga 'ko bumabanat, hindi na agad, nakakalungkot
Pero ako ay nakangiti pa rin dapat kasi kapag nagsimangot, nako yari, lagot
Opo, di dahil merong respeto, opo, dahil takot
Opo, para tapos na agad (agad) para wala nang gulo
Opo, kasi di ba ako'y bastos kapag ang sagot ko ay hindi niyo gusto
Opo na lang, opo hanggang nakatira pa ako sa inyo
Kayo ang magulang at anak lang ako
Matanong ko lang, bakit? Choice ko ba 'to?
Mismong aking pagkabuhay, kayo ang nagdesisyon
Tapos gusto niyo pa kayo rin masunod sa mga gagawin ko ngayon?
Wala ba akong kwentang anak?
Dahil dito sa aking mga sinasabi?
Sana nga, eh, kaya ko 'tong sabihin lahat
Kaso sa isipan ko lang lahat 'to nangyari (Wala eh)

Chorus:
Sabi ng nanay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala sa ginagawa mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko, "Anak, itigil mo yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

Refrain:
Sige, opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang



OTHER LYRICS

Mala Abueva

Mala Abueva
Third Flo’
2018 Single

Samin

Samin
Smugglaz
2022 Single

Manilab

Ikugan
Calix
2018 Album

Yoga Flame

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

HUNGHANG (feat. JMara)

HUNGHANG
Palos
2022 Single

FEATURED ARTICLES