Palong Palo


Bukas Uulan Ng Mga Bara
Kemikal Ali x Arbie Won
Producer: DJ Arbie Won
2018

Verse 1:

Wag panghinaan ng loob

Kalmado lang kasi maganda ang kutob

Makulay ang istorya at ang buod

Kung malas ka kanina buwenas ang kasunod

Yan ay ayon sa mga matanda

Susundin mo ba ang payo ng hindi pumlakda

Choice mo yan, wag kang padikta

Damputin na ang baraha ikaw puminta

At kung bumungad ay liwanag aba’y magaling

Tanggapin ng maluwag at yong mahalin

Parang asawa mo na malakas ang dating

Yakapin mo dali, eag mo lang sakalin

Ops, maghunos dili ka pa rin

Maging magalang ka kahit di taga gagalangin

Ang pagkakataon iyo nang harapin

Hakbangan mo na agad ang dapat mong hakbangin

 

Chorus:

Palong palo ka na naman

Ang isip mo lumilipad sa kung saan-saan

Palong palo ka na naman

Alam ko yan

Palong palo ka na naman

Ang sasabihin ko di mo maintindihan

Palong palo ka na naman

Alam ko yan

 

Verse 2:

Malapit nang umulan

Mababasa ka lang pag di pinaghandaan

Unless bumuhos ay salapi

Mabagsakan ka man ikaw ay nakangiti

Aminin mo ika’y makamundo

Na tulad ko hindi kuntento sa husto

Inanyayahan ang tukso masunod lang ang gusto

Parang pinuno ng kulto

Diyos ko po, alam kong may pag-asa

Wag lang dadayain ng tadhana ang balasa

Pag nagkaganun mangangamoy sonata

Diskaril, dislocated ang panata

Kung balak ay humilata na lang

At ayaw manakit ang pangangatawan

Wag ka nang umasa ng lubos sa talento

Kung pundasyon matabang sa semento

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Maganda ang hinaharap

Bangon agad bakit di pa maggayak

Mukhang wala kang alalahanin

Mukhang matibay ang kapit mo sa bangin

Ako’y bumibilib sa tatag mo

Sana sa tagumpay tayo’y magpanagpo

Sa palasyo mo ako kaya’y patuluyin

Sa mga piling putahe ako ba’y bubusugin

Ito’y makahulugang pagkakataon

Upang umahon sa ating pagkakabaon

At pag nagkagayon at nagtagumpay

Wala ka nang rason na maging matamlay

Kahit walang responde ay masigla

No sudden movements kahit mabigla

Mga batikos ay salong-salo

Wala namang epekto kasi palong palo

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

MC Spotlight: Cobs

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022

OTHER LYRICS

Kabet
Single
Gagong Rapper (feat. Mz. Kyla)
2004
Maggy (Baby ang alen?)
Wholesome
Andrew E.
1999
Easy Ka Lang
Moderno
M Zhayt
2018
Halik Sa Hangin
Single
Abra and Ebe Dancel
2014
Di Laging Sunday
Buzo_Omp
KURIMAW (feat. Grey Langit, Bhosxz, & Homiewun)
2021