Single

Unli


Unli
Flow G
Producer: Flip-D
2020

Intro:

Bars (Wala, wala)

Multi (Wala, wala)

Wordplay (Wala, wala)

Metaphor (Wala, wala)

Autotune (Wala, wala)

ExB (Baduy, baduy)

Jejemon (Aruy, aruy)

 

Verse 1:

Ngayon pa lang magpapaumanhin na 'ko

Kasi baka ulo niyo masira ko

Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako

Makinig kayo bihira 'to

Madalas na marinig, sa kanta napakilig

Kasi malikot ang diwa ko

Iba yung pinapakita ko, para di nila makita na may tira ako

Di nakita niyo, madulas ang dila ko, kaya pagka-pumitik klaro

Kung usapang linya naman ay mabisa

Kaya gusto nila makabisado (Bleeeh)

Di man ako magaling kumanta

Pero hindi 'to pipiyok kasi nagtisa ako

Pag ako sumargo kalat sigurado

Kahit lapis lamang ang gawing tako

Buti na nga lang nakangiti pa 'ko

Kahit andami na nilang mga ngiting aso

Inaasinta ako, kaso di sila asintado, kaya di ako apektado

Iba mag-isip kasi laking kanto

Papatol lang ako kapag kikita ako

Kaya minsan lang ako maging gago

Pag yung kabaliwan ko binisita 'ko

Kung usapang multi mabuti nalang naparito ka halika papakita ko

Dami ko kasing itinabing bago

Kung susumahin siguro animnapung sako

Tsaka balita ko galing sa bibig niyo madali kamo

Oh, sige gawin nga 'to

Pag hindi niyo nagawa ay para niyo naring inaming

Di niyo kaya na itumba ako

 

Verse 2:

Bars!

Nasa top ng mga flip

Hindi marunong magdamit, inuuna yung salawal sa brief

Lahat galing-galingan at baliw-baliwan

Para mapansin ulit pag di na sila click

Mga barbero na hindi marunong maggupit

Dinadaan na sa kulit para masabing malupit

Pare-pareho na yung trip para san yung mga barang masakit

Bibilib lang ako pag nailapat niyo sa beat

Madaming magagalit diyan

Pero bago makalapit matik yan, punit-punit

Kaya nagagalit yan, walang avid fan

At wala ring fans sa piso net

Kitang-kita na naman yung difference

Sa kanila pag kami gumawa hindi pilit

Ta's kung sino pa yung mga silhouette

Nagpapanggap na matigas pero galawang impotent

Pero yung mga legit nakakasama ko sa pic

Kasi nakakasama ko sila sa gig

At yung mga nainggit hindi sila makadikit

Kasi hindi nila maamin na nabibilib

Kaso halata na kid, mga galaw na weak

Hinding-hindi kayo masasagip

Samakatuwid may pag-asa lang sila makatawid

Pag yung pangalan ay kung saan-saan ikakabit

Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib

Alam kong hindi niyo 'to in-expect

Inakala niyong gawa ng Intsek

Kaya wala kayong ideyang ganito kalintik

Kahit na sa mga liblib kumakalat ang pangalan namin na binitbit

Habang yung mga gumigitgit ay nakakalat

Kaya minsan parang ang sarap nila iligpit

Puro parinig 'kala niyo di ko naririnig

Madalas kasi hindi na lang ako umiimik

Matagal na panahon ko ng gustong mangalabit

Kaso iniisip ko may bata na nakikinig

Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit unlimited

Kahit yung bawat titik ay hindi tinitipid nagdidikit-dikit

Ngayon mag-iisip ka kung bakit gan'to ako mag-isip hindi nagigipit

At kahit na nakapikit

Nkadilat o tirik man ang mata wala kana masisilip

Na i-correct isipin mo nalang kung pano ko sinet tahi-tahi

Yung salita parang napunit na damit

Ito na yung katotohanang masakit na, nung kami umentra

Yung mga bida ay naging extra

Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa

Ito yung ebidensya ang laki ng diperensya



OTHER LYRICS

May Pag-Asa

Gatilyo
BLKD x UMPH
2015 Album

Sakay

HARANASA
Kiyo
2021 Album

All I Know

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

oct29

oct29
Skarm
2020 Single

Scorched

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

FEATURED ARTICLES