Album

SLN (feat. Tuglaks)


1998 EP
KIAL
Producer: Sparo
2019

Chorus:
Ang buhay maiksi lang, kaya gawin mo na lahat ng nais mong gawin
Lungkot man o kasiyahan
Ang madarama buong buo mong tanggapin
Malay mo ang maganap bukas makalawa
Kwento ka nalang sa paghinto ng paghinga
Kaya gawin mong may say-say ang buhay
Hangga't nasayo pa

Verse 1:
Balita? 
Buhay pa din, yung iba wala na
Sa isip ang mga bagay na noon ay gumagana
Tulog sa masalimuot na gabi ginising ng bagong umaga 
Pwede bang magpatabi ng ala-ala
Kukunin ko nalang ulit pag ang lungkot ay nangulit 
Tingnan ang dati habang ang mga mata'y nakapikit
Katwiran, hanggat tumitibok ang puso ay pilitin mong masulit 
Pagkakataong buo pa at dikit
Hindi mo masasabi kung kailan magwawakas
Kung hanggang saan at kung hanggang kailan ka malakas,
Haharap sa imaheng tagapagligtas
Mahaba man ang pisi ng buhay pag oras na biglang mapipigtas
Walang panlaban kundi
Salapi kung gusto pang madugtungan ang araw na nalalabi ay babayaran
Materyal na mundo ay para lamang sa mayaman 
Kung mahirap ka't naghingalo handa ka nang pabayaan

Repeat chorus

Verse 2:
Mga kasama sa pagtawa sa kwentuhan at kulitan,
Walang paa-paalam, bigla nalang lilisan
Sa isang iglap ay parang, dumadalas ang minsan
Pumanaw na si Phatdee, si Weedz at kuya Reagan,
Kumpare kaibigan kapatid ang misyon
Tuparin ang pangarap gumanap sa kung ano ang ambisyon
Tanggapin nalang pag si kamatayan may imbitasyon
Malay natin baka masarap ang handa, pata at lechon
Mga gawa'y may kalakip na pagpuna't reaksyon
Ilusyon lang ang kalayaan sabi ng limitasyon
Walang perpekto pero may tama sa mali may leksyon
Panindigan mo lang ang bawat napiling desisyon,
Maging tapat, sa pag-ibig kahit na wala kang malay 
mundo ay ayaw sayo, ano pa mang ialay
Maghintay ka sapagkat, magbabago din ang pakay,
Mahal ka ng lahat pagdating ng huli mong lamay

Repeat chorus

Bridge (4x):
Patas ba ang lumikha sapat ba ang ibinigay?
Dapat lang ba tayo dito sa kung san tayo nilagay?
Ito ba ay mundo lang ng pagsubok kailangang sumabay?
Bakit ang hirap mabuhay ang dali lang mamatay?



OTHER LYRICS

Chubi

Chubi
Jid Durano
2017 Single

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao)

Prototype
Dello
2014 Album

Bread

Party Worker
Bambu
2014 Album

Salbabida (Kontrabida Parody) (feat. CHR)

Salbabida
Friesthug
2019 Single

Tugmang Preso

Meron Na
Loonie
2023 Album

FEATURED ARTICLES