Album

Permanente


Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
Producer: Six the Northstar
2021

Verse 1:
Permanente
Pag ibig sa mundo walang katapusang pagmamahalang
Di magugupit at kalakip non
Ang baon ng mga tinik sa kabila ng bango ng rosas at pagka pula nito
Anong tamis mala asukal na kayumanggi
Sa kabila 'sing pait ng likido galing ugat
Halos pantay lang ata minsan lumalamang pa ang bulto na hapdi
Pagkat dakot lang ang ligaya
Magandang tanawin kalbaryo ang kapares
Bago sumandal ng pader haluin muna ang buhangin
Usapang damdamin libro ng mag sing'irog 
Kaligayahan tinatamasa sa ilog
Sa kabilang banda di pwedeng walang naka abang
Na trahedyang maaring bumali ng sagwan,
Kaban kaban ang tatawirin
Pasan mo siya tas may naka tusok pa sa paa
Maski ngalay alay niya'y masahe
Bigayan lang habang gumuguho daigdig,
Di na 'ko nag taka kung bakit palaging ganto
Maginhawang ma arawan sa umaga, mamaya ang tag tuyot

Verse 2:
Nagta talik pa lang magulang ko naka pataw na ang presyo
May konting kamot sa ulo ng malaman to'y nag bunga
Ang pag ngawa sa ospital ay laking halaga
Patunay na inosente pa lang tayo nagbabayad na
Hanggang lumaki nag paaralan elementarya gapang pa kolehiyo
Kaching mo sa bulsa naka laan na pang matrikula
Parte ng buhay walang pinaikling daan
Hindi matitiklo ng bastalalo enerhiya sa kable at 
Kuntador ng tubig ng pambihirang nawasa
Mapapabuntong hininga ka na lang talaga
Brinaso mo ng alas otso alas singko ay lipad agad
Kahit kalampagin hindi maka palag sa pag kalag
Tanging magagawa mag bayad mag lapag ng kada buwan,
Palabas na pag naupo ka bawal tumayo at sumibat
Sirkulong walang hintuan kahit ayaw ng manood
Makikita mo lang ang pinto pag lalabas nang pahiga



Railkid & Six the Northstar - Mga Kahon Mula Bodega (2021):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

De Kwatro

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Y.G.G. (feat. HELLMERRY)

Y.G.G.
Shanti Dope
2023 Single

Walang Alam

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Akin Lang Naman (feat. G-Dawg)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Opening Salvo

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

FEATURED ARTICLES