Album

Taxi Driver


Dekada
Bassilyo
2016

Verse 1:

Pagkatapos kong mag almusal ng pandesal tsaka tapsilog

Ay lalabas ako ng bahay upang magmaneho ng taxi ko

At itong pag biyahe ko upang kumita ng salapi

At baka sakaling makabili ng bahay na malaki

Unang passenger isang mukhang mayaman na lasing

Di siya magalang napakayabang at amoy alak na kasing

Gasing ng mga gipit kulang binayad wala man lang tip

Kakabadtrip pwede ba sa susunod sumakay ka nalang ng jeep

Ikalawang pasahero binibining estranghero

Sa suot niyang mini-skirt gumaling ang aking pagka bolero

Nagpahatid siya sa monumento binayad niya ay limang daan

"Keep the change" sabi ko, napakaswerte ko naman

Mananaghalian na muna ako pahinga di muna ako babyahe

Nang may napansin ako sa limang daan na binayad nung babae

Kaya pala keep the change peke pala yung limang daan

Pag nakita kita ulit ika'y aking kakantahan

 

Chorus:

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam, hi sir

Liko dito, liko here, liko liko there

Pwede ring dire-diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam, hi sir

Bababa ba? Teka gigilid lang ako

Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad niyo

 

Verse 2:

Isang lola ang naisakay ko na kung makatingin ay makamandag

Kakamadali niyang magbayad naiwan niya ang kanyang bag

What? Ano ang laman ng bag? Dali-daling binulatlat

Kala ko pera yung pala tiyanak so, tinapon ko sa tapat

Ng kambingan at tindahan ng gamot saka bulaklak

Nang sa taxi ko ay may biglang kumatok, napakalampag

Isang mamang malaki katawan na semi-panot ang gupit

May kasama siya na dalawang seksing bebot, ang lupit

Ngunit bakit sa aking sakay di ako mapalagay

Ako'y tinutukan ng baril, ang sabi niya? "holdap to taas kamay"

Naku patay! Holdaper pala itong naisakay ko na semi-panot

Pano na yan, wala pa kong kita kalalabas ko palang edi lagot?

Mabuti nalang ay may biglang dumaang mobile patrol

Silang tatlo ngayon ay nasukol at sa kulungan sila nagmaktol

Pinagtanggol ako ni lord at sila'y kalaboso na

Hoy panot, one time lang sa bunbunan pakutos muna

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Mula Batanes hanggang Jolo iniikot ko

Luzon, Visayas, Mindanao ay nililibot ko

Minsan para bang gusto ko nang tumawid ng ibang bansa

Pag may nanghuli sakin ng taxi ko, sa kanya ko ibabangga

Simula Marikina, Katipunan, San Juan, UP, Kalayaan

Pagliko ko sa Litex kanan Commonwealth, Novaliches, Bayan

Montalban, Angono, Cogeo, San Mateo, Antipolo, Taytay, Cainta

Valenzuela, Tondo, Caloocan, Malabon, Navotas, Malanday, Malinta

Diliman, Quezon at Timog, Cubao, Makati, at buong Edsa

Bicutan, Taguig, Alabang, Pasig, Pasay, at Mall of Asia

Welcome Rotonda, diretso sa Recto

Sa dating hotel kung san pwede pumwesto

Simbahan ng Quiapo, Baclaran, Batasan, Payatas, Sandigan, at Ever Gotesco

Boni, Magallanes, Sucat, Paranaque, Espana, Luneta, Laloma, Malate

Sa 7-11 kumakaway sakin na mag-isang nakatayo na lalake

Isasakay ko nato last nato, isa nalang

San kayo boss? "sa heaven tayo" wag muna saka nalang!

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ikaw Lang

HARANASA
Kiyo
2021 Album

FROZEN

WEYAAT?
Waiian
2023 Album

Kung Tama Siya (feat. Jaq Dionisio)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Butterfly Knife

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

The Way Of The Plann

The Way Of The Plann
Mastaplann
1994 Album

FEATURED ARTICLES