Single

Ulila


Ulila
Ron Henley
Producer: Klumcee
2016

Verse 1:

Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan

Sinakop ng mga uwak ang kalangitan

Sa bigat ng kaulapan parang uulan

At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan

Sunod-sunod na pagsabog ng granada

Mga katawang nakahandusay sa kalsada

Mga mukha ay duguan, di na makilala

Ganto pala ang tunay na kulay ni Kirara

Kahit sanka tumingin usok ang itim

Sa kapal kaya niyang takpan ang mga bituin

Isang kidlat, kasunod ng kulog

Kasabay ng isang malungkot na tunog

Teka nasan yung iba? Ako lang ba ang natira?

Ako lamang mag-isa at hinahanap kita

Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?

Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh

 

Chorus 1:

Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? (3x)

Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

 

Verse 2:

Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito?

Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso

Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik

Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid

Galit ang hangin na sa akin ay humampas

Na nagdala sakin patungo sa isang talampas

Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan

Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan

Dito namahay ang hari ng kadiliman

Pailalim makatingin at di ka titigilan

Tinanong ko't tinitigan, kung kailan siya lilisan

Mahal niya daw ang mundong 'to at di niya maiiwan

Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw

Hinahanap ay ikaw

Sadyang nakakatakot ang pook na 'to pag di kita kasama

Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh

 

Repeat chorus 1

 

Chorus 2:

Ganito ang mundo kapag wala ka

Ganito kagulo kapag hindi kita kasama

Ganito ang mundo kapag wala ka

Ganito kagulo kapag hindi kita kasama

Ganito ang mundo kapag wala ka

Ganito kagulo kapag hindi kita kasama

Diba sabi mo babalik ka nang maaga?

Pano nako kung wala ka, magsalita ka

 

Verse 3:

Wala nakong liwanag na masipat

Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat

Ayoko na dito, gusto ko nang lumipat

Hayaan niyong tapusin ko ang aking paghihirap

Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga

Patay na kandila at mga rosas na lanta

Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig

Hanap ang iyong yakap at bibig sa twing ganto kalamig

Hindi, hindi ako susuko

Ako'y lalaban hanggang wala nang dugong tumulo

Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw

At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw

Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko

Wala ka sa aking tabi't nalilito

Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama

Pano na 'ko kung wala ka, magsalita ka...

 

Repeat chorus 1 and 2



OTHER LYRICS

Bara Imortal (feat. Kemikal Ali & Denmark)

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Ang Kawalan (feat. Rimarim Suklam and Calix)

The Impaler EP
Plazma
2017 Album

Eyes On The PRICE (feat. Flow G)

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

Magbalik

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Celebrity Status

Hue For Ya
Sica
2021 Album

FEATURED ARTICLES