Single

Violet (feat. Jmakata and Colt)


Violet
Alisson Shore
Producer: Alisson Shore
2018

Verse 1:

Bakit ba naman nakipaghabulan pa

Sa dulo din naman tayo ang magkikita (Pano ba kung tayo na?)

Kung pano ka tumakbo

Sa akin, papalayo

Mapapagod din naman tayong dalawa

Di ka na ba nagsawa sa

Pabalik balik, at paghihintay

Nung nagtalik talik, at naghiwalay

Bakit ba naman ika'y naniwala

Imbes na sakin nagtiwala

At kung paano mo nakita at pinagmasdan

Ang imahe ng babae na di naman siyang

Di ko tipo

Ikaw lang ang ginusto

 

Chorus:

Huwag nang magpasensya

Pareho lang tayong

Hindi na kinaya

(Kung sana may oras pa di na dito hahantong pa)

At nagkasakitan

Parehong lumaban

Parehong nagkulang

(Pakiramdaman na lang ba, nong sinabi nya)

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na

 

Verse 2:

Naalala mo pa ba dati? Yeah

Magkahawak ang kamay lagi pag

Naglalakbay sa ibabaw ng bahaghari

Ngunit ngayon bagyo na ang namumutawi

(Yeah yeah yeah)

Sa ating dalawa

Pero bat ganon? Meron lang tanong

Bat naghabulan kahit pareho tayong nataya?

Ayoko na, tama na kahit puso'y tumalon

Bawat tinginang babaliwalain natin sa ngayon

Mga hiling na pinaglipasan na ng panahon

Dahil ubos na ang barya para ihulog sa balon

Ayaw mo na, tama na kahit puso'y tumalon

Bawat tinginang babaliwalain natin sa ngayon

Mga hiling na pinaglipasan na ng panahon

Dahil ubos na ang barya para ihulog sa balon

 

Chorus:

Huwag nang magpasensya

Pareho lang tayong

Hindi na kinaya

(Kung sana may oras pa di na dito hahantong pa)

At nagkasakitan

Parehong lumaban

Parehong nagkulang

(Pakiramdaman na lang ba, nong sinabi nya)

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na

 

Verse 3:

Nakakasawang

Makipaghabulan lalo na't ganito

Ni walang pupuntuhan

At malabong magtagpo

Yung para bang pelikula

Na wala nang katapusan

At di na naintindihan

Yung kwento kong pang trailer lang

Kaso ano, bakit sinong nanguna?

Di na ba naisip na parehas lang tayong tanga

Di ako nanghuhusga

Kung sadyang di nagtugma

Ang hirap lang kasing ako ang laging taya

Ako ang laging mali

Ikaw ang laging may alam

Nagbulag bulagan na't lahat mapasaya ka lang

O teka di na dapat mag martyr?

Di na dapat pag awayan

Sabihin mo lang yung dahilan

Kung bakit naglaho

Damdamin mong tusong

Nagpaikot sa pag-asang may tayo

 

Chorus:

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na

Tama na siguro nga di naman sa

Pagmamayabang pero ako'y pagod na

Sobrang sagad di pa ba sapat, oh tama na, tama na



OTHER LYRICS

KNOCK KNOCK

FXCKLOVE
Range
2023 Album

Whole Lotta Lovin' (feat. Evil StepSisters)

The Oddventures of Mr. Cool
Francis M.
1998 Album

Ikaw Lang

HARANASA
Kiyo
2021 Album

Fou Lee

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

REYALIDAD (feat. JMara)

REYALIDAD
Kambal ng Morobeats
2022 Single

FEATURED ARTICLES