Amen


Single
Inkubus
Producer: Hirui Seki
2018

Verse 1:

Para sa kaparian, sila na nagpapaka diyos

Pero silang mga baboy at tunay na nambabastos

Kung makaasta kala mo kung sinong huwad

Pero panay ang pagtago sa katotohanang hubad

Nagbabait baitan akala mo banal

Eh sila tong mapang abuso at grabe kung magkupal

Walang relihiyon, putangina pauso

Hindi rin tunay ang pagsamba nyo sa rebulto

Manalig lang sa diyos meron ditong pag asa

Pag talikod naman sila mismo nang gagahasa

Mga hipokrito puro nalang panata

Silang magagaling at palagi nalang na tama

Kaya sirain ang ating maling akala

Baluktutin mo ang kinagisnang paniniwala

Kase wala namang walang hanggan na buhay

Isa lang ang destinasyon ng lahat kundi sa hukay

 

Verse 2:

Para sa kaparian, silang nagpapakabanal

Pero mabahong ugali na masahol pa sa kanal

Walang pake sa pera walang pake sa yaman?

Pero sa donasyon ng simbahan sila ay katal

Hindi madadala sa langit ang kayamanan

'kala mo kung magsalita ay walang tinatapakan

Kung ituring ng tao parang walang kasalanan

Wag kayong mga tanga sila ang tunay na gahaman

Bat ako maniniwala at magpapakahangal?

Mawawala ang kasalanan pag senyo nangumpisal?

Nakakausap personal? Kami'y mawalang sala

May koneksyon sa diyos? Aba ay mahiwaga

Lumapit ka lamang ligtas na sa pinsala

Babasbasan kapa akala mo sila'y bathala

Mga paring praning nagwawalang bahala

Alam nang totoo ayaw pang sabihin ang tama

Rosaryo't rebulto ay dinadasalan

Sino ba ang gumawa hindi ba tao lang naman?

Tao din nagsulat ng bibliyang sablay

Walang salita ng diyos libro lang na walang saysay

At may binabanggit pang sampong utos ninyo

Eh binabali lang naman ng mga pari mismo

Napupuna ko lang maling sistema dito

Wala akong galit o kung ano sayong Katolisismo

Ba't di pa ituwid baluktot na daan?

Kung may mali ipaliwanag at gawan ng paraan

Para mga tagasunod hindi mang mang

At mga utak na mali ay tama ang mailaman

Walang diyos na dapat sambahin ng sino man

At sa taas ng mga ulap ay walang kaharian

Pag namatay ka ay walang kalangitan

Mabubulok kalang sa lupa, uuurin ka nalang!


OTHER LYRICS

Industriya
Sukli
Gloc-9 (feat. KZ Tandingan)
2016
Materyal
Materyal
Shanti Dope
2017
Moshpit
Single
Sak Maestro
2020
Bartolina
Illustrado
Illustrado (feat. Apoc, Kemikal Ali, BLKD)
2017
You Girl
Nothing, Really Mixtape
Ice Rocks
2012