Single

Apoy (feat. OWFUCK)


Apoy
Zjay
Producer: Jason Haft
2018

Zjay:

Kami kami mag kakasama

Simula nung una

Sinubok man ng panahon

Ngunit ngayon nakabuo na

Isang ideya nagsanib pwersa uulan ng mga bara

OWFUCK Gang, Zjay may dalang bomba bumababa na

Malamang tumayo nanaman ang mga balahibo ng mga may ayaw samin

Ipalamon sa inggit kaya gusto kaming sirain

Pwes hindi umubra ang mga paen

Kahit manalangin di kami uhaw sa kantanyagan

Madami nadin napakain

Dala namin istilong makabago na umaayon sa panahon

Utak inalis sa kahon

Bawat dura bumabaon

Bagong letra ng sa ganon paiwasan mapagdudahan

Tulakan wag hilahan, yan ang kailangan

 

Chorus (2x):

Wag nang mag taka malaki na ang pinag iba

Yung dating minamata, ngayon gumigiba

Sa entablado barumbado, inaabangan ng mga tao

Apoy hindi nawawala kaya palaging ganado

 

Paul Cassimir:

Pwedeng makiraan tumabi saglit nais 'kong umabante

Di 'to paunahan pero dapat ay sa dulo kailangan rumimate

Wag ka pakapante kumilos di dapat palaging naka abang

Laging tandaan ang pagpapakumbaba di dapat pinagmamayabang

Ang daan ay di naman para sayo lang men

At di lang rin naman na para samin

Dapat dito tulungan lalo na kung tulakan

Pag marami mahirap nang hatakin

Kaya payo ko sayo ngayon

Wag mo na kaming guluhin gago

Di pa 'ko tapos sa kalye papasok lang saglit sa Maduming Kwarto

Sabayan ang paglipad halika sasabugan kita na parang dinamita

Mga galawan di kailangan ipakita

Akala mo wala, yun pala mali ka

Kasi sukat lang

Di naman malakas kasi sapat lang

Di ako si ganito di ako si ganyan

Di kami uhaw bagkos gutom lang

 

Repeat chorus

 

Astro:

Parang apoy sa Sulu maliwanag sa ulo

Di mapundi, mabangis parang lobo

Di na bagito tamaan ay combo

Wag basta Gordon, kailangan ng Biyombom

Maging totoo, ayoko ng tuso

Marami ng ahas, mag ingat ka iho

Hipokritong tao, iniisip mo ang punto

Bagong salta kami siga na rito

Mayor 'to sa selda, suntok Margarito

Huli ka samin tawag saklolo

Patay sa tugma may basbas 'to ni Santo

Iwanang bangkay tila na-engkanto

Wag mong utasan hindi kami loro

Buhat kasama ayoko ng solo

Kinakatakutan mala Apollo

Dagsa ang respeto, di na abono

OWFUCK ng Clique, Zjay ng Kwarto

Mag aral ka muna tsaka ka magturo

Palasagot minsan pasensya kung pilyo

Nanggaling sa zero nabuhay 'tong ghetto

Lamon ang kalaban kahit anong reto

Lagablab ng utak tunaw kahit yelo

Umiwas sa kupal nakita motibo

Di na 'to bata, pangalan ko'y Astro

 

Repeat chorus

 

Lexus:

Nagising sa probinsya

4:20 ang ganda ng view

Kung buhay ay iisang pag susulit ako'y mag eexam kahit na walang review

Sobrang hustler, pangalawang lenguwahe ko ay number

Wag kang magpa-tus sir bawal ka sa gilid iwas ka sa sniper

I-roll na ang joint

Asan na ang papel neris

Ilagay mo saming tagilid na parang towel

Lines mo ay sobrang cheesy langhiya ano yan pizza

Kaya kapag tinapat sa mga gutom

Yan ay nagiging chicha

Ako ay parang bull kaya hindi nila ko masakyan

Di ka pwede dito samin bawal ka sa caravan

May patay nanaman malamang nakalagay lumaban yan

Ako ang mitsa ng buhay mo, kaya subukang sindihan

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Crooks 4 Justice

Crooks 4 Justice
aero.
2011 Single

Shantidope (feat. Gloc-9)

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

Alas Dos

Alas Dos
Southeast Cartel
2013 Single

Family Day

Family Day
727 Clique
2017 Single

Ihip

Ritwal EP
Ejac
2018 Album

FEATURED ARTICLES