Album

Sabi (Rough Mix)


Shall We
Kiyo
Producer: jo$$e
2018

Hook (2x):

Kung hindi mo na gusto sa tabi ko

Kung sawa ka na’t lagi nalang ganto

Sabihin mo kung nahihirapan ka

Kung ako’y iyo ngang kailangan pa

Dahil mas pipiliin ko nalang

Hayaan na piliin san ka masaya

 

Verse:

Kamusta ka? Pwede bang pahiram ng oras

Makausap nang masinsinan kahit sandali

Alam kong pagod ka maghapon, sakin ka magpahinga

Teka lang wag ka muna magmadali

Tulad ng dating gawi, hatid sundo palagi

Pero ngayon ay di ka sumasagot sa mga tawag

Puro sabi ng saglit, pag inaya ay pilit

Hindi ko alam ano ba sayo ang bumabagabag

Ngunit alam kong hindi tayo ayos tulad ng

Kung anong meron tayo dati

Bakit hindi mo masabi

Alam ko na may mali

Dahilan kung bakit ganto tayo ngayon ayoko nang alamin

Ramdam ko naman na iba na

Ngunit ako'y nagbabakasakali lang

Na masilayan muli ang mga ngiti mo

Pag nakatitig saking mga mata

Ngayon ay iba na

Inip at kamot ang nakikita kapag tayo ay magkasama

Medyo malala na, di na kinakaya

Ako'y nababahala, pero sana ngayon ay sabihin mo na

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Rather Seen (feat. Malcolm and Martin)

…paper cuts…
Bambu
2010 Album

Out The Gate

…Exact Change… Reloaded
Bambu
2011 Album

Isang Gabi (feat. Kris Delano)

Isang Gabi
JP Bacallan
2018 Single

Pahina (feat. Gloc-9 & JP Bacallan)

Pahina
Pricetagg
2019 Single

Info Trip (feat. Mark de Clive-Lowe)

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

FEATURED ARTICLES