Album

Bagay


Balanse Mixtape
Ejac & Buddah Beads
2016

Intro:

Uh

Mula sa Etivac

Bagay...

Yeah, uh

 

Hook (2x):

Nakikibagay lang ako sa mundong hindi pang tao

Na may bagay na katulad nung sinabi mong pangako

Sumisigaw ang puso at kung nais pakinggan

Pag-unawa ang sagot sa bawat palaisipan

 

Verse 1:

Ihahakbang ko sana ang aking mga paa

Ngunit sa pagkadilat ko ay dulo na pala

Ng walang hanggang tanawin

Kung ako ay papalaring maabot ang mga tala misyong kapa-kapa din

May bulsa na madilim at pitaka ng hangarin

Na ginamit ko lang sa pag-sabay sa mga hangin

Kunsabay, tanging nababagay lang ba sating

Sumabay kung palagay mong mga paa lang natin

Ang hihinto kaya't binitin ko sa lalim,

Wag nyo sanang iisiping masisisid nyo ang aking

Paglarawan sa imaheng sa likod ng mata natin

Ang ugat ng pag tanggap at husga na syang pasanin

Na tumapak sa iba ay masakit din para sakin

Sa pag tigil ng pagsubok ay resulta ay wala din

Bagay ba lahat ng isasabay niyo sakin

Di ako makikibagay kung ito ang suliranin

Humiwalay ako sa mundong di makatao

Na may bagay na katulad parang usok sa tabako

Uh, at kung inyong pakikinggan

Pag-unawa ang sagot sa bawat palaisipan

 

Repeat hook

 

Verse 2:

Bagay ay sa bagay, kaso di na makatao

Ito nasa tao na hindi na magbabago

Ang bagay ay sangkap at kung minsan ay pang terno

Na babagay sa likha ng isinulat sa kwaderno

Sinubukang humakbang sa parehong kapalaran

Dun sa bagay na babagay sa aking nilalakaran

Nahulog pababa tila limot ko ang daanan

Tanda ko ang ilan sa mga dapat kong bayaran

Salamat dun sa bagay na tinulong mong bumagay

Salamin na pinagamit mo ang tulong mong inalay

Tinatakot ka na ata ng sariling pag-iisip

Na parang binangungot sa sariling panaginip

Naghihintay ako sa posible pang magbago

Na babagay dun sa bagay na babago din sa tao

Sarili ang kasamang sasagot saking tanong

Kung tugma bang mangyayari kung ano ang kadugtong

Bagay ay sa bagay na babagay lang sa bagay

Ang tao ay sa tao na ramdam ang pagbabago

Ang tulong ay ang tulong, kung tingin mong kapalit

Ng sinabi kong salamat ay wala nang mas higit

 

Repeat hook

 

Outro:

Bagay ay sa bagay kaso parang di na bagay..

Kasi ako ay tao at nasakin ang pagbabago..

Uh, balanse



OTHER LYRICS

Hindi Sapat (feat. Denise Barbacena)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

Fin

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Goldbars

Goldbars
Freek
2016 Single

Lalo Schifrin

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Sunggab

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

FEATURED ARTICLES