 
													Chorus:
Bebelabs, bebelabs, bebelabs, bebelabs
Di kita iiwan, di kita iiwan
Bebelabs, bebelabs, bebelabs, bebelabs
Di kita iiwan, di kita iiwan
Lagi laging maasahan, araw araw panay lambingan
Mga ngiting walang kasing tamis, araw araw ako magpapa-kiss
Verse 1:
Kung may dahilan bat ang puso ko tumibok ulit
Tingnan mo pumipintig, pakingan mo pangalan mo sinasambit
Anghel na lumantad sa aking harapan
Pang Victoria Secret ang hubog ng iyong katawan
Kaya lumayo na ako sa barkada ko
Ayaw ko kasi isipin mo, bad boy ako kasi napakarami ko kasing tattoo
She's dating with the gangster, I swear! In love ako sayo
Kaya walang puwedeng pumapel
Kahit sabihin nila, adik daw ako, oo adik sayo
Pwede bang magparehab sa puso mo
Teka sira ba itong relo, eh bakit ganito
Pag kasama kita ang oras ko humihinto
Alam mo kung uso pa ang stationary, sinulatan kita
Parang yung tinuping papemelroti galing saking bulsa
Kahit sabihin nila cheesy, medyo sumisenti
Wala akong pake, mahal kita baby
Ikaw ang...
Repeat chorus
Verse 2:
Ang iyong halik na walang kasing tamis, panong di masasabik, sa sarap ng iyong halik
Ang iyong halik na walang kasing tamis, panong di masasabik, sa sarap ng iyong halik
Ang halik mo yung parang bang kanta ng Aegis, mahiwaga pa sa isla ng Atlantis
Ang iyong halik kung bakit lalong nahulog si Coy, walang lakas ang mandirigma
Kay Helen of Troy
Kapag pag-ibig ang tumama, walang mali at tama, kaya marami ang nauwi sa kama
Pero sa akin ay saka na, dun muna sa dambana susumpa sa saliw ng Ibong Adarna
Paulit ulit na sasabihin kung gaano ka kamahal
Hangad ko lang na sana tayong dalawa'y magtagal
Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko
Di kita iiwan bebelabs, pangako ko
Repeat chorus
Bridge:
Sa umaga sa tanghali at buong gabi (Sa Umaga, Sa gabi)
gusto ko ng kayakap, gusto ko pa ng halik
Gusto ko ikaw lang ang laging makatabi
Gusto ko ikaw ang makasama ko hanggang huli
Nandito lang, nandito lang para sayo kasi
Nandito lang, nandito lang sa iyong tabi
Tanging ikaw, my bebelabs (baby, baby)
Di ka magsi-sisi
Repeat chorus (2x)
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																												 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																							