Single

Byahe


Byahe
Bagsik
2020

Nagbabalak ako pumunta sa malayo  
Sino dyan gusto sumama kahit kwento lang yung baon  
Sagot ko na yung alak, kotse, at pagkain  
Hanapin natin ang magagandang tanawin  
Sariwang hangin ang sarap lumipad sabay bagsak sa malalim  
Na kulay asul na tubig paligid dyamante't maituturing na pag ibig
Ibang klase, may bakante pang isa baka sakali  
May kasama kang iba mas masaya kapag madami   
Bawal dito ang maarte so alam mo na kapag hindi kita sinali  
I-enjoy natin ang byahe gusto mo tabi ka sakin para mas swabe  
Sabi ko naman sayo nag-iisa lang to wala ka nang makikita na tulad ko 
Laging bago sayong paningin mga ngiting kahit bituin kayang abutin 
Tahimik lang malimit at hindi na pinipilit
Iniisip ang sarili maikli kasi ang pisi 
Pano kung wala nang bukas ano ang mananatili 
Kinapos tayo sa oras at bigla nalang tumigil 
Papuntang buhanginan wala bang kape dyan
Para iterno saking pusong matagal nalamigan   
Nakaraan nalampasan hindi pumayag na itigil 
Kaya teka nasaan yung mga dating nagdududa eh ang daming paraan
Mga pasaning mabigat bitawan para gumaan
Basta ako kahit saan iisa lang papunta yan
Importante lagi ang byahe pati na karanasan
Malamang abutin tayong magdamag, ang sarap
Nagsimula lang nun sa usok hanggang eto lumiyab
Noon kapag nadadapa ay bumabangon rin agad 
Simulan na magsipag palaging talo ang tamad 
Hindi na namin kasalanan ang reyalidad
Dahil yung buhay mo inutang lang at di ka pa bayad
Oo di pa rin sikat, di gaano nakilala 
Di bale na isang dekada na kong nagrarap
Nung umpisa medyo kabado, merong halo pang hiya
Hanggang umapak kung saan saang lugar at umangat  
Nakatanggap pa ng respeto't palakpak sandamakmak 
Man ang humamak ay matapang kong tinahak ang malawak na daan 
Kahit sino pa ang humarang ay hindi na tinablan
Iba pa rin pag may alam sinagasaan ko nalang 
Lahat ay galing sa wala kaya kailangan magtyaga
Isiping may mapapala at idaan mo sa gawa 
Matagal ng nakakasa ngayon ipuputok nalang
Hindi naman to paunahan kaya dapat kalma lang
Mangarap ka nang mataas at sabay tayong lumipad 
Pakita mo at ipamalas ang tinago mong lakas 
Kaisipan at patunayan mong hindi ka rin duwag
Pero nasan na ba tayo
Parang layo sa syudad
Pakibuksan na nga yung alak, at pulutan ilabas
Sulitin natin ang lahat, bawasan negative na vibes
Napahaba na yung kwentuhan, baka tayo lumampas 
Pero ayos lang rin minsan lumingon at umatras 
Kaso lang tuloy na natin kasi sayang lang yung gas
Malapit lapit na tayo at natatanaw ko na 
Kung gusto niyo baba pa nga 'ko at lakarin ko nalang 
Ano ang unang gagawin, magtatalon lang sa tuwa
Baliktanaw sa alaala kung saan nagsimula 
O baka ganun pa rin, parang normal lang at wala
At sa wakas ito na rin ang matagal kong hinintay
Sabay tunog din ng relo at panaginip lang lahat...



OTHER LYRICS

Tipsy D vs Sayadd (Tipsy D's Rounds)

FlipTop presents: Aspakan 3
Various Emcees
2015 Rap Battle Verses

Endless

Endless
Sanggang Dikit
2016 Single

Hustle Vision

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

Kuya Jake

Supplier Mixtape
Bugoy na Koykoy
2014 Album

FULLCLIP

FULLCLIP
Apekz x Flow G
2024 Single

FEATURED ARTICLES