Album

Diwata (feat. Chito Miranda)


Abra
Abra
Producer: Jonathan Ong of SonicState Studio
2014

Chorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagkat

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

 

Verse 1:

Naaalala ko pa nung una kang masilayan, nanghihinayang

Gustung-gusto kita, kausapin

Makilala, subalit may kaba

Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana

Karapat-dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delicadeza

Kesa sa ganon baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang iba't-ibang parte ng mundo

Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi

Kapag nasa paligid eh pasimple na ngumingiti

Sana kako tamaan

 

Chorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

 

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagkat

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

 

Verse 2:

Hanggang sa nagkakilala muli

At unti-unti kang nakikilala, muntik

Pang tumiklop na parang makahiya uh

Naglakas loob uh, diyan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pa’ MRT

Pero diba't sa pag-ibig mas kabit pag less than three

Anong sagot, pwede mo kong tanungin

May tanong ako sayo, pwede mo kong sagutin

Sana oo na lang din

Susubukang abutin

Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin ah

Ikaw ang aking laging nais makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas

Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap ng mataas

 

Chorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

 

Verse 3:

Nung nakita ko siya, ‘di makapaniwala

Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako

Teka bakit ganito, bat napaparap ako?

Di ba sabi ko sayo, wag mo na akong isama

Para kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na ba’t nasisiraan ka ng ulo

Napapakanta ka na lang na parang ganito

 

Chorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo woah

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso woah

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagka’t ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

 

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagkat

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata



OTHER LYRICS

Manliligaw

Respetadong Hudas: Twistero
Abaddon
2007 Album

Youth Water

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

PWEDE BANG?

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

BANG!

BANG!
Sixth Threat, Sak Maestro
2023 Single

Hip Hybrid

Hip Hybrid
Skarm
2020 Single

FEATURED ARTICLES