Album

Ilusyon (feat. Arci Muñoz)


Abra
Abra
Producer: Jonathan Ong of SonicState Studio
2014

Chorus:

Nasan na ba ang pagbabago? San?

Wala pa rin pala kaming mga bulag sa katotohanan

Ngayon nakakakita na

Kayo na nga tong pumapapel

Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa

Bahala na kayo sa buhay niyo

Basta wag niyo kong gagawing tanga

(Wag niyo kong gagawing tanga)

Wag niyo kong gagawing tanga

(Wag niyo kong gagawing tanga)

Wag niyo kong gagawing tanga

 

Verse 1:

Ilang dekada na ba, nakapagtataka na

Wala paring pagbabago ng pagkatagal na

Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa

Pagtakpan ang matagal nang halatang halata

Palakihan ng lote paramihan ng kotse

Para 'di mangamote, bayanihan ng konte

Matapobre, talagang plastikan ang forte

Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte

Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya

Sakit, oo pero ngayon ay epidemya

At sa Pilipinas ang mga elektibo

Nagpapaka bibo at hindi epektibo

Puro salita pero ni wala man lang pruweba

Magpapaka-propeta para walang protesta

Sa nakaraang problema ano ba ang solusyon

Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Walang nakaisip ng nasa palagid

Mabaho, madumi at kadalasan mainit

Tambakan ng basura kahit na saang gilid

Nag trapik parang bang kada kalsada makitid

Laganap na kotongan, sus Maria!

Mga driver tingin sa kanilang bus Tamiya

Bayarang kababaihan para boobs makita

Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita

Kapag umulan wag susubukang bumiyahe

Madalas ang pagbaha may lumulutang na tae

Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi

Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari

Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago?

Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado

Kasalakuyang problema ano ba ang solusyon?

Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Marami pang mga kababayang habang buhay na pagod

Pagkat hanap ng hanap ng hanapbuhay sa abroad

Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot

Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot

Di kayo makapagbigay ng mga trabaho

Kaya di dapat kinailangan na mangako

San na ang pagbabago?

Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang

Habang marami nagugutom at walang matirhan

At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan

Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan

Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan

Magandang kinabukasan na orasan ko yon

Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?

Kinabukasan ng problema ano ang solusyon?

Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon?

 

Repeat chorus

 

Outro:

Wag na wag, wag na wag!



OTHER LYRICS

Pink Palaka (Haring Solomon)

Krispy Na Kremy Pa
Andrew E.
2004 Album

1-800-Ninety-Six

Happy Battle
Francis M.
1996 Album

Prologue (feat. Howle)

Soully, Yours EP
Curtismith
2017 Album

Rubber Dickey

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

Filipino Hustla

Filipino Hustla
D-Coy and Zargon
2018 Single

FEATURED ARTICLES