Single

Dressing Room


Dressing Room
Crakky and Joms
Producer: XAJE
2019

Chorus (Jom):
Oh bakit bakit bakit
Ang bilis mo na maakit
Ang bilis mong magpakapit
Ilang oras palang kitang kasama 
May lakad ka nanamang iba 
Di ka ba marunong makuntento sa isa

Verse 1 (Crakky):
Siya na ba ang bago mo na iniirog
Kala ko sanay na 'ko na binibiro 
Di mo man lang nagawang mag pahinga 
Matapos ang lahat ay tumawid agad sa kabilang ilog 
Habang ako'y hindi mapakali saking pagkasawi
Ay naghanap ka kaagad ng magpapangiti
O di kaya'y tatapal diyan sayong pangangati
Dahil alam ko na ganon lang kadali 
Sayo na kalimutan ang lahat tangina, kilala na kita 
Kung magpalit ka ng damit ay paiba-iba 
Dahil umpisa palang na maging tayong dalawa'y
Nakita ko na madali ka ngang maakit sa iba 
Pero pilit pa kita na binabago 
Habang ako'y paulit-ulit ginagago 
Ano pa bang magagawa kung napamahal na ko sa iyo
Gulong gulo na ang mundo na umiikot lang sayo oh

Repeat chorus (2x)

Verse 2 (Crakky):
Sayo ay parang walang nangyari
Di ka man lang nakitaan ng kaba 
Ngayon ikaw ay masaya sa piling ng iba mong iniibig 
O sadya mo na kinakalantare, ano ba talagang 
Pumasok dyan sa isip mo kung bakit ba nagagawa mo to na maatim 
Hindi ka ba tinatablan na kilabutan
Sa ginagawa at binabalak mo pa rin na maitim
Kahit na ganon ay minahal naman kita 
Binuhos ang lahat kahit wala nang matira
Hinayaan kong madurog at maging abo nalang siguro
Ang damdamin ko sayo ng di ko madama
Kung papano ang sakit na lagi mong hinahangad makuha sa iba't
Ginagawa mong laruan 
Lahat ng nahuhulog sa iyo'y hinahayaan mo nalang 
Nang sa ganon ay maiwanang talunan
Gusto kitang tulungan ayokong mangulungan
Ka nalang at mahumaling ng lubusan
Tandaan mo na hindi ka din mauubusan 
Kung sakaling gusto mo na mabakuran 
Kaso lang ay kung ayaw mong padaig
Di na kita pipilitin pa na makinig 
Ayoko na sukuan pa kita kaso kung ganon ay 
Di malabo na makita nalang kita sa sahig

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

K & B

K & B
Omar Baliw & CLR
2019 Single

Black Sheep

Black Sheep
Southeast Cartel
2017 Album

DEXTER'S TRAP

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

O.L.X (feat. Mcee)

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Kaarawan

Kaarawan
Marc Mamuric of Row 4
2016 Single

FEATURED ARTICLES