Single

Friends With Benefits


Friends With Benefits
Zikk
2011

Verse 1:

May mga gusto lang akong sabihin sayo

Makinig ka na lang..

Pareho tayong dalawang nabigo sa pag ibig sa ex

At pareho tayong dalawang malibog na mahilig sa sex

Tayo ay dalawang hibang na talagang tigang

Na sa kama nagsamat naglibang habang nanatili na friends

No strings attached puro lang kalibugan

Kasi di pa gustong matalikuran ng mga pusot makalimutan

Ang mga dating minahal kaya pinagbawal mainlove

Pero sa init sa isat isa, sa apoy ninanakaw ang siklab

Hanggang sa ang benepisyo ay kinaadikan na bisyo

Pumapayag ka kahit ikay sinasabihan na bitch ko

Kaya nagtaka ako ng biglang nagalit ka ng mabisto

Mo na may iba ko iniwan mo ko at kinagabihan namiss ko

Ang bawat yakap na dapat ay walang ibig sabihin

Bat nasasabik ako sa halik mo na walang ibig sabihin

Nakakatakot nakatok na yata ang pag ibig sa akin

At pilitin ko mang ilihim ang nasa dibdib naamin

 

Verse 2:

Pero sabi ko sa sarili ko

Siguro nasanay lang ako na nandyan ka palagi

Na isang tawag ko lang ay papayag ka ng padale

Kaya di pwedeng sa ginagawa naten ang puso ay masali

Di ko pa gusto na patali, dapat pagkatuso ang maghari

So tinawagan kita sabi ko galit ka pa ba?

Tang ina! Bakit nadama ko ang sakit ng baba

Mo ang telepono pero pasaway ako at tumawag pa ulit

Tapos sabi mo bastos ka tapos na tayo! Pwede wag kang makulet

Yun ang unang beses na ako ay nireject mo

Kaya napaisip ako bakit ba hindi kita nirespeto

Sa unang pagkakataon nagkaron ako sayo ng sentimiento

Bigla naiyak ako at nabiyak ang bato na sa puso sinimento

Kaya pinuntahan kita sa bahay niyo at nagdrama ka

Ang saabi mo manhid ako bakit ba di ko nadama na

Mahal mo na ako shet nahulog ka na pala

Pero di kita nasambot kasi takot ako, nun ko nalaman na kaya pala

 

Verse 3:

All this time naging bulag ako

Di kita nakita na iba sa iba kase duwag ako

Na tanggapin na ang pangarap kong mahalin ay natupad sayo

Nung andyan ka pa pero nung sa buhay mo akoy tanggalin, nagulat ako

Na kailangan pala kita di lang bilang kalambingan

Di lang bilang kalandian para marating ang kalangitan

At di lang bilang kaibigang may kasamang benepisyo

Pero bilang pag ibig na tunay, kung di kita sana pinerwisyo

At pinapayag nung gabi na nagsimula ang usapan natin

Yung gabing naging isat isa ang parausan natin

Siguro di ngayon ako nagdurusa sa parusa sa akin

Kung pwede lang ibalik ang oras yun ay isasama ko sa dalangin

Para mabago ang lahat at maitama ang mali

At bibigyan ko ng kahulugan ang ating bawat sandali

Pero huli na nang malaman ko na ako'y naibig na nga ng tunay

Wala ka na at yun ang kailangan kong pagsisihan habang buhay



Zikk - Friends With Benefits (2011):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

I Beg Of You

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Side

Au Naturel EP
DB x Kessiah Bravo
2017 Album

Posse

Tell'em Once
Kartell'em
2018 Album

Resbakkk

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

HU U? (feat. Because)

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

FEATURED ARTICLES