Single

Ganid (feat. Ron Henley)


Ganid
Loonie
Producer: Klumcee
2018

Hook:

Ang dami dami dami dami dami dami ng

Lalapit lapit kahit pangit mga katimang

Gagamit gamit ng sabit di akalain na

Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya

Ang dami dami dami dami dami dami ng

Lalapit lapit kahit pangit mga katimang

Gagamit gamit ng sabit di akalain na

Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya

 

Verse 1 (Loonie):

Dami-dami dami-dami mo namang mga taga hanga

Talented ka pala

Hindi lang sa battle, hanep din sa kanta

May manager ka na ba?

Grabe na talaga, dapat nga may sarili ka ng

Billboard sa edsa

Mga guesting kay vice ganda

Wag ka mag aalala

Ako ang mag pa-paikot ng pera

Taga ipon ng benta

Para di ka makalimot ako ang taga bilog ng petsa

Maraming hahangaan

Taga higop ng pwersa

Lagare bakal

Taga ikot ng fiesta

Taga bayad ng payola

Taga hilot ng pyesa

Hahamigin lahat ng nakapalibot sa mesa

Kabisado ko na ang lahat ng pa-sikot sikot ng

Naka-kahilong sistema

Kaya kung ako sayo

Wag ka na mag pa bebe pa

Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera

Para makapag selfie ka

Orig na mga damit, walang replika

Tapos dadalhin kita sa America

Ipapakolab kita kay Fetty wap

International mala jose rizal

Talagang heavy-gat

Galawang demigod

Kahit kailan hindi ka na mag pe-pedicab

Hatid sunod ka ng kotse sa hellipad

Kung ayaw mo parin pumayag, edi wag

Ang importante dapat happy ka

Papalakasin pa kita parang makina

Basta pirmahana mo lang to lahat

Bawat pahina, wag mong basahin ha

 

Repeat hook

 

Verse 2 (Ron Henley):

May pera ka daw na

Dumating nitong martes

Kaso lang sa

Sang daan ni

Taguro bibiyak pa

Ng trenta

Si ginoong Valdes

Wala na atang

Mas lulupit

Mang iipit sa gitna

Ng mga guhit, kudlit, gitling at tuldok, kuwit

Talagang halatang mang uumit

Puro hit pano pa to maitutuwid

Naglagay ka sa plato ng puro hit

Kaso platito lang ang bumalik

Para makuha mag makaawa ka muna ng may matang nag tutubig

Paraiso para sa

Mga gara-pata ang ulo lang ay paa tsaka pata

Pagka-kita nila sakin na bata pa swak sa, kasa kahit nilagyan ng atsara

Kumapit sa kamay, gumapang hangang siko

Hindi mo makikita sa kapal ng balahibo

Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo

Di porket asal askal hindi na matalino

Ako ay napasugod

Apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod

Huli ko sila, sa akto hubo't hubad sa kumot

Nagpapaligsahan mga kuto at surot

Puro asungot ang nakakasalamuha

Eto ba ang nakukuha sa pag lalakad sa lupa

Pakiusap tirhan niyo ko ng dugo

Binigyan ko kapiraso

Tinangay pa yung buo

At kung naka-isa ka man sakin

Maaaring nakachamba

Dinilang paa na lang baka nakakalimutan mo na

Mas mabilis ang karma

 

Repeat hook

 

Verse 3 (Loonie):

Kailangan na natin magising

Sa kanilang mga balak na maitim

Panay hassle na mga processing

Panay promise sa mga promising

Tsaka aanhin ko yang photoshoot sa magazine

Kung yung pera ko wala parin

Bakit tila di madinig ang mga daing

Di ko na rin alam ang aking gagawin

Nakakapraning

Mga magnanakaw nang palihim

Mga mandarambong na may marketing

Ang mga sakim tumitira habang walang nakatingin

Di ko napapansin na yung publishing

Naibenta na pala nila sa magic sing

Wala man lang kinita ni katiting

Kusino kusinera siya padin nakatikim

Ngayon bilang magulang

Halos lahat ng raket ay pinapatulan

Sumasakit lalamunan

Ngunit ang aking kinikita

Tila ba kulang

Tanghalian hapunan

Sardinas ang ulam

Sino nga bang di mabibilaukan

Sa di mabilang na utang

Nag tatanong sa kapalaran

Bakit pinag damutan

Gusto ko ng makalabas sa aking pinapasukan

Layasan ko kaya, tignan ko kung di matauhan

Dapat matagal ko na silang pinakasuhan

Di manlang sinapatusan

Di manlang pinabaunan

Ang kapal ng mga muka

Di ko to sinangayunan

Isa sa pinaka unang pinangakuan

Kinalaunan

Daig pa ko ng binalatuhan

Pinag planuhan ng mga pasistang dayuhan

Oportonistang madupang sa kanilang bakuran lang pala

Mapupunta lahat ng aking pinag paguran putangina

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Playbill$

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Oblivion

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

Powerless

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

Luvburn

Luvburn
Karencitta
2018 Single

Hari Ng Tondo (feat. Denise Barbacena)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

FEATURED ARTICLES