Album

Gintong Butil (feat. Mash, Duplero & Abehero)


Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
Producer: Six The Northstar
2021

Verse (Duplero):
Ang pagod ko'y kaginhawahan ng dalawa kong supling /
ang dahil sa pagbukang liwayway at pagtakip silim /
kayo'y aking hinintay mula sinapupunan /
siyam na buwan hanggang sa pagputok ng panubigan


Noong kayo ay niluwal halo ang luha at galak /
abot langit na kasiyahan sa unang halik at yakap /
di maunawaang emosyon purihin ang panginoon /
hangad lamang ay kabutihan saan man kayo pumaroon


Ilayo sa kapahamakan yan ang laging hiling /
gabayan at pagpalain ang mga pinunla natin /
handang itaya ang lahat kapalit ng dugo at pawis / 
maitaguyod lamang ang pamilya buhay man ay ibuwis


Mabigat man ang hamon ako'y patuloy na babangon /
mahihirapan at pakatandaan ang aral ng kahapon /
Isakatuparan ang iniwang bilin ng aking mga magulang /
ano man ang mangyari iyong PAMILIA ay wag iwanan/

Verse (Abehero):
Nakahelerang mga tala, binigay na biyaya ni bathala,
isang gintong maituturing ang pagsilang sa isang bata,
walang hihigit na ligaya ang hatid sa mundo, (totoo)
mamahalin, aarugain hangga't sa huling hininga ko,


mahal kong aking anak, lumaki ka ng payak,
ibibigay ang mundo sa abot ng aking mga yapak,
Mga kamay magiging gabay sa pagpanik sa hagdan,
siya ding magbabangon sa oras na madapa ka man,

lahat lahat gagampanan para sa lubos na kaligayahan,
ibibigay ang buhay at lahat ng kinakailangan,
ano mang pagod mapapawi sa pamamagitan ng ngiti,
iyong mga matang tumatawa, humahawi sa mga luha,

Dinggin ang bawat salmo at maging sopistikado,
Puriin ang panginoon at lahat ng kanyang turo,
Manalangin ng taimtim at wala ng pero2,
Makinig sa mga salita na hatid ng mensahero,

Verse (8th Messenger):
Sa pagkamusmos
akoy  naging sutil
Katigasan ng uloy
maraming dahil
Pangaral  magulang
Aking natatandaan
at ngayon ako naman
Ay Sa kanilang katayuan
Ama sa tatlo sa isang nawala

Akoy kanyang naalala
Isang panganay akoy biniyayaan
Sa ngalan mo zecharias
Sa ngalan mo juan
Sa luma at bagong tipan
Oh Haring hezekiah
Ang buong niyang lakas
Azarel  oh tulong Dios

Itong ang aking binhi
Tanging nais at mithi
Manaliti ang kapayapan
Mamalagi ang katuwiran
Lumaking may takot sa Dios
Sumunod sa kanyang utos
Ang aking pamanana
Makilala ang tunay Iglesia

Maglingkod ng buong puso
Panganay ko at bunso
Alalahanin mo rin naman
ang Maylalang sa iyo
sa mga kaarawan ng iyong kabataan
gawin at pagpilitan
Lakas ng bisig
Gawin ng buong paibig

Hook:
Mga Gintong butil
Mga ani ng biyaya
Mula sa iyong ina
Punlang dimapipigil
Dugo ng aking dugo
Laman ng aking laman
mula paggapang at pagtakbo
Huli ng ating pangalan



OTHER LYRICS

Bawal Be The Gang

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

Owe U

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

Bahala Na (feat. Moymoy Palaboy, Sisa of Crazy As Pinoy, and Biboy of Queso)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

King I Be

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Smoke & Mirrors

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

FEATURED ARTICLES