Album

Gubat


Ritwal EP
Ejac
Producer: DJ MP
2018

Intro:

Gubat! Gubat! Gubat! Gubat!

Gubat! Gubat! Gubat! Gubat!

Gubat!

 

Verse 1:

Salamat sa gubat na sa panulat nantatasa

Nasabugan ng pasa sa kanan buhat ng sasampa

Sinandata’t sinasangla, sinasaka’t sinasamba

Sinasabak sa syudad ng samu’t saring sinasalba

Kung may sukat kung papasa man ay walang katulad na lasa lang

At subukan mong sumubok saking tulak na sasakyan

Mula buhat na sayang daw, ang pag mulat o sayad daw

Uhaw, sugat na sasaklaw din sa buhay ng gagalaw

Nagkalat man ang mga hayop sa galing at mga takaw sa pansin 

Tulad ng sirang plakang papatalbugin na parang ako rin 

Nung batang rap ng rap pa sa harap ng salamin 

Wala pang tamang susundin o maling haka hakang kukunsintihin

Sariling lakad sa dilim, marka ang vandal sa dingding 

Di naging sagabal ang masukal kung liparin 

Umatungal na ibahin at gibain at gawin ang hindi nila magagawa 

Suungin ang gubat tutal wala namang mawawala

 

Hook:

Sa gubat, tulak, ulap

Gubat, tulak

Gubat, tulak, ulap

San ka naggagala?

Gubat, tulak, ulap

Gubat, tulak

Gubat, tulak, ulap

San ka nag gagala?

 

Verse 2:

Sugal man ang pagkalango ng tulak ko sa gubat

Siguradong lalago parin ang yamang di masukat

Upang mas maging klaro na lang ang aking tinutulak

Ibinabato sa ulap ang naglalaro sa utak

Di bumababa sa buhat umusad man ng may pera

Sangkatutak man ang kalat nilang bala sa kubeta

Di maibabad sa tenga’t matengga saking bodega

Di maibenta sa perya’t tambayan bilang propeta

Tama na yan, iwan sa karerang kinikilos sa sistema

Hesukristong nasa gera sa halip gawin pang circus ang eksena 

O gawing papiso pisong pektus sa problema teka teka teka taka

Di lang yan ang ekspresyon ng Pilipinas

Atensyon ng may mahimas, umaksyon at kumaripas

Depresyong pakitang gilas, babuyan at palambingan sa bisa ng kantaritas

Mabuhay ang pilipinas

Bumanggat makigulo mga hayok na hayok

Droga sa nobela ng mundo para pasok na pasok

Yan ang buhay na iikot sa mga nagpapaikot

Mukhang pili na lang ang purong sasabay sa biliog at pasikot-sikot 

 

Reoeat hook (2x)

 

Outro:

San ka nag gagala?

San ka nag gagala? 

San ka nag gagala?

Etivac!

San ka nag gagala?

Etivac! Etivac! Etivac!

Mula Etivac!

Mula Etivac!

Mula Etivac!

San ka nag gagala?



OTHER LYRICS

Kawalan

Kawalan
Sulo
2020 Single

Papunta Sa Pera

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

Sana Totoo

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Mossa Downtown (feat. gins&melodies)

Mossa Downtown
Hev Abi
2023 Single

Manilab

Ikugan
Calix
2018 Album

FEATURED ARTICLES