Album

Alon


Ritwal EP
Ejac
Producer: KMG
2018

Verse 1:

Ako’y nagsimula sa di mahina kong paligid

Na tahimik sa makitid na laro ng ibang tinig

Tila ba walang imik na para bang tali ang isip

Kunsabagay di rin madali ang buhay panaginip

Na mainit sa mata saking napiling mga hilig

Kakumpara ng tama sa mali mong pinipilit

Kaya nga pinuhunan ko ang simpleng mga titik

Upang sa tubuan ka ng ‘yong posible pang masilip

Di ako nahilig ng wala man lang pag-ibig

Walang laman ang punto kung basta ko lang nasingit

Sagot ng karaniwan lamang sa bugtong ay sirit

At ako’y kaibahan nito sa alon ko at ihip

Kaya’t habang nandito pa ako ay susulitin na 

Hanggang sa ituring na ang sulat ko’y awitin na 

Higit pa sa malaya kong sabihin at hulihin ka

Dahil sakin balang araw ang mundo’y mag iiba

Basta maniwala ka

 

Hook:

Maniwala ka

Maniwala ka

Maniwala ka

Maniwala ka 

Maniwala ka lang

Maniwala ka lang

Maniwala ka lang

 

Verse 2:

Kaya’t halika na’t subukan nating satin na isalin

Ang sariling mga isip at damdaming pinakain

Ng karanasan sa bawat sandali na babasahin

Ang laman nito’y kahulugan ng dapat mong aralin

Tandaan mo lang palagi kung bakit mo kakayanin

Ang sagot na totoo ay pambihira pa sa lalim

Masyadong karaniwan ang iba para gayahin

At dama ko na ang buhay masaya ang para sakin

Kaya pano na? Di ko naman ‘to pinapakabisa

Mas gusto ko pa sanang pagtuunang mag analisa

Upang ang pabaon ko ay tulong pagka balisa

Hanggang sa makuha’t matutunan mo ng mag isa

Kaya habang nandito pa ako susulitin na 

Hanggang sa ituring na ang sulat ko’y awitin na 

Higit pa sa malaya kong sabihin o hulihin ka

Dahil satin balang araw ang mundo’y mag iiba

Basta maniwala ka

 

Hook:

Maniwala ka

Maniwala ka

Maniwala ka

Maniwala ka

Maniwala ka lang 

Maniwala ka lang

Maniwala ka lang



OTHER LYRICS

Kabet (feat. Mz. Kyla)

Kabet
Gagong Rapper
2004 Single

Yeah Yeah

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

Lololola

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

Pansamantala (feat. Loonie)

Mood Swing
JRLDM
2022 Album

Lalo Schifrin

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

FEATURED ARTICLES