Album

Hayop (feat. DJ Supreme Fist)


Illustrado
Illustrado
Producer: Apo Lerma
2017

Goriong Talas:

Lagay mo ay alanganin gulpi sarado ka samin

Walang silbing panalangin kahit ilang Ama Namin

Subukan mong idalangin di tatalab sa bangis ng liriko

Kahit mga anghel na demonyo sa mga rimang to

Salitang mala sima lumalasong mga pantig

Tila umukulong tubig nagpapalambot ng mga astig

Mga malalim na tinig dala ay balis at nginig

Na di mo maaninag ngunit iyong maririnig

Kaya matakot saming dulot na pag balot ng kilabot

Na parang mga gagambang gawa sa bakal ang mga sapot

Patay sa mga banatan na sayo'y magpapa-iling

Kami halimaw sa tugma mga halimaw sa galing

 

Sayadd:

Papel ko piligroso sineryoso nga ganap

Nung nawala sa sarili ay hindi na nag-hanap

Kaya itong mga likha ko di niyo basta makuha

Dahil sakin diksyonaryo niyo nabago nang luma

Kusang palo na lalo nakalagan ng kadena

Mga ideya tila higad na pumasok sa tenga

Lubhang makati to para di mo ikalito

Di ako butas sa sistema ako ang sistema sa butas nito

Kaya mas maigi nga atang di mo na tinangkang alamin

Kung ano-anong mga bagay aking kaya na gawin

Nag mula sa ilalim naabot ko na ang lahat at

Nilundag ko yung bangin hindi pababa, paakyat

(Scratch by Supreme Fist)

Nilundag ko yung bangin

Nilundag ko yung bangin

Nilundag ko yung bangin hindi pababa, paakyat

 

Chorus (2x):

Sa larangan na pinasok ay wala kaming kasing

Kayo'y dikya lamang sa dagat at kami mga pating

Kami mga leon sa eksena ng matsing

Todo hayop! Hayop!

Hayop sa galing

 

Batas:

Yo

Hayop sa husay sakin araw-araw ang pasko

Di mapaliwanag ng Siyensya ganun ang lakas ko

Sa bawat linya ko ramdam ang aking kamao

Kuha ng kahit bingi kapwa ko mahal ko

Oo! Ako’u sobrang giting sa dwelo

Yung masakit sa ulo masikip na sumbrero

Kayo'y mangangamote na tipid sa pochero

Pero sa nanay niyo kayanmaging isang kuneho

Papuri ng iba yan ang aking koleksyon

Pinapanood ng mga siga dito ang sa Bukidnon

Kahit sinong iharap sa akin punit tsong

Sobrang galing ko totoo di na to opinyon

 

Goriong Talas:

Di totoo ang kasabihan pag sinuksok may bubunutin

Pag saksak ko ng punyal sayo di ko na huhugutin

Sulat ko'y nag aapoy di niyo to kayang tupukin

Kaya papel mo sa buhay madali lamang sunugin

Kuha mo hayop to ako'y tuso itim ang buto

Linyang tumatama parang usok ng tunaw na bato

Di mo mahaharang mga barang bumabarang

Sobrang lalim pag sinisid tutubuan ka ng hasang

Wasak ang kanta niyo sa simple kong labing-anim

Sa sobra nitong lagim na tila anim-anim-anim

Kaya wag kang umasa makaka puntos ka sa amin

Butata ka pabalik kung saan ka man nang galing

 

Repeat chorus

 

(Scratch by Supreme Fist)

Hayop! Hayop! Hayop!

Hayop sa galing

 

Sayadd:

Sumipol sa lupa idilig sa dugo

Kaya't tinig nagdudulot ng nginig sa bungo

Sinabaw sa engkwentro mga mamaw tinodas

Hanggang nagmukha na lamang silang langaw sa sopas

At sa oras ng pangangaso sa kagubatan na binaybay

Walang nagsisikibuan mga nag-papanggap patay

Langhap buga pigil at pag napagod wala rin

Bago mag pahinga ay nilalason ng hangin

Pakonswelo ng wakas magagawa mong silipin

Lalamunin kang buhay ng mga buwitreng may ngipin

Patalasin man ang ngipin ay wala na yang halaga

Kayo'y nag papaka hayop kami hayop talaga

 

Batas:

Taas ng ihi ko nahugasan ko ipot sa yong ulo

At sinasadyang umihi kung saan meron nuno

Pag suntok ko’y magandang istorya siguradong tagos puso

Ubos ang hangin niyo parang wala na tayong puno

Sa akin masilaw parang nagising sa ilaw

Hayop sa pag bitaw

Sa tugma halimaw

Ramdam sa tenga ang bigat dyamante na hikaw

Mapapakain kayo ng tae biglang tsibog na isaw

Mang aabala sa bahay niyo na para bang may nyebe

Kinakagat ng mga lamok kaya bit-bit nila ang dengue

Ako Batas at sa Illustrado bawal ang peke

Ako humatak pababa sa sarangola ni Pepe



OTHER LYRICS

Pepper Spray

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

I Got This

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

Handa Na Ba?

Mabanges
BB Clan
1998 Album

Nosi Balasi (feat. Blaze-n-Flow)

1998 EP
KIAL
2019 Album

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio)

Prototype
Dello
2014 Album

FEATURED ARTICLES