 
													Chorus:
Every time I'm thinking of you
You make me go crazy
I love you
I love you
Coz every time I'm dreaming of you
I wish you were my baby
I love you
I love you
Verse 1:
Simula nang makilala ka ako'y humanga
Namangha (whaat!)
Sa bulong ng puso ko, ikaw na nga
Gumawa ako ng mga paraan
Para lang mapalapit sayo't
Loob mo sakin gumaan (hayyy)
Lalong nakakamiss mga ngiti mong matamis
Na panghimagas ko sa tuwing ako'y pagod siyang pang alis
Pag ika'y umaalis ako'y nalulumbay
Ako ang weakest link pag ika'y nag gugoodbye (goodbye!)
Ang buhay ko pag kasama ka laging kumpleto
Makita ka lang masaya ako na ay kuntento
So pagmasdan mo ang laman ng puso at isipan
Para naman malaman mo sa akin ikaw lamang
Di ko na kailangan maghanap pa ng iba
Sayo lang ako tinamaan talaga
Wag mo sanang isipin wala kang halaga
Coz first verse means ikaw talaga'y mahalaga
Repeat chorus
Verse 2:
Pag ibig na kay tamis
Parang Beauty and the Beast
Bagay na bagay like kamatis at patis
Walis at dustpan parang wife and husband
Tayo'y magmamahalan magpakailanman (peksman!)
Mamatay man ako ngayon ika'y papakasalan
Sa lahat ng simbahan (at si congressman ang best man!)
Pag ika'y nasisilayan nawawala ang galit ko
So lagi kong tinitignan larawan mo sa wallet ko
Ikaw ang nasa isip bago pa matulog
At pagkagising ikaw pa rin hangang mag-mumog
Pag may pagkakamali ka ako'y patay-malisya
Di kita malilimutan kahit na magka-amnesia
At kahit anong tagal, ako'y maghihintay
Ganyan kita kamahal, walang kapantay
Kapag ako ay namatay mas gusto ko pang maging multo
Kaysa pumasok ng langit na wala sa piling mo
Repeat chorus
Verse 3:
Nagmula sa aking isip
Kamay ko ang sumulat
Binuga ng aking bibig
Wag ka naman sanang magugulat
Sa pagtatapat at dapat kang maniwala
Sa mga kataga, salita na 'king ilalathala
Sa iyong damdamin, yo!
Aking inaamin na ako'y
Nananalangin mapunta ka lang sa akin
Di ka malulungkot, iiyak, at mag durusa
Pagkat mamahalin kita hanggang
Kumahol ang mga pusa (aw-aw...meow)
Sa dinami dami ng mga babae sa mundo
Sayo ko lang inalay ang buong buhay ko
Ang puso ko pangalan mo lamang ang binubulong
Pangako ko tayo'y mag sasama sa iisang bubong
Ang aking magulong buhay iyong pinalitan
Tayo'y ay nagmahalan nang hindi napipilitan
Cross my heart never kang papalitan
Coz you get me going you are my Lipovitan
You got me twisted
Bridge:
You know you want my love (my love baby)
You got me twisted over you
I know I've got what you need right here (baby)
So what you wanna do
Repeat chorus (2x)
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																												 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																															 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											