Album

Ibig (Muric)


True Story Mixtape
Row 4
2015

Verse 1:

Dati rating pagibig na puro tawa

Napalitan ng luhang mistulang tubig sa lawa

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang iwanan

At bitawan ang yong hawak kapag nag sawa

Ito nga ba'y tadhana? Marami akong inipong tanong dapat sagutin sakin ni bathala

Sinubukan kong magbago kahit na mukang malabo ngunit bakit sakin sarado parin ang yong tiwala?

Tahimik ang sirena, pagibig ba'y sira na?

Hindi gumiginhawa parang puso'y may piranha

Gumamit ng panyo upang luminis si Kirara

Nang magbago ang anyo hindi na nya ko kinilala

Ganon lang talaga wala nakong magagawa

Ang mundo ay parang gubat, namumugad ang sawa

Kumakalat at dumarami pa lalo ang nahawa

Kaya sa pagibig lumalaki ang bilang ng mga kawawa

 

Hook (2x):

Hindi ko na hihintayin pa

Lamunin ang lungkot ang natitirang saya

Nahanap ang sagot at ngayon ako'y malaya na

 

Verse 2:

Akala ko dati hindi ko kaya

Pag ikaw ay nawala at tuluyang naging malaya

Mahirap tanggapin laging binibigyan pansin

Ngunit kailangan kalimutan ang lahat at mag paraya

Ito ay paubaya na lamang sa poong maykapal

At pag tagal makakamit rin ang ligaya

Hindi dapat na magsisi, alagaan ang sarili

Magdasal lang nang maigi at may libre tong biyaya

Tinitignan ang tala pag gabi sa may bintana

Maaalala ka at ang iniwan mong pinsala

Inisip ko nalang ganon siguro pag binata

Posibleng maramdaman at maranasan ang dinaya

Wala na 'kong paki tapos na kaming dalawa

Ngayon ako ay masaya kahit ikaw ay nawala

Dumarami man ang bilang ng iniwan at kawawa

Hindi mananahimik at iibig pang muli hanggang magsawa

 

Repeat hook (4x)



Row 4 - True Story Mixtape (2015):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Pating Sa Kadiliman

Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020 Album

Nanulat na Talunan

Ikugan
Calix
2018 Album

Rhythm Of Christ

INVERSE
RBTO
2012 Album

Nosi Balasi (feat. Blaze-n-Flow)

1998 EP
KIAL
2019 Album

Lalo Schifrin

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

FEATURED ARTICLES