Single

Lacoste


Lacoste
P-Town Pirates
Producer: Lumipa Beats
2018

Matthew:

Kamusta ka na? Nandiyan ka pa ba?

Isa ka rin ba sa mga ma-tagal tagal na din na pinapaikot

Tuwing may mali ay nakakalimot

Isa kadin nga, alam kong di ka makakahinga

Sakaling sakalin ka, akala mo malaya ka na

Hindi pa pala! Nandiyan pa sila!

Buhay ang gutom sa kapangyarihan

Busog lusog sa ari-arian, pera ng bayan

Pinaghatian, pati ang bayan pinabayaan

Di na kinayang makipagsabayan sa mga banyaga

Parang wala na yatang pag-asa, baliwala na

Nagulat ka ba? Sa ulat na sulat ko na

Nakakamulat ng mga mata na nakatingin

Sa telebisyon diba ang galing, nakakaning

Yan ang misyon maibaling ang 'yong intensyon

At minamanipula parang manika mga nakakaenganyo

'kala mo tama pero mali ka

Kung maniwala, maling balita

Ang kumakalat dito sa dyaryo, lahat ay narinig ko na

Kasabay ng malagim na pagpatay sa madilim na talahiban

Dahil na lamang sa kakaibang kinikilos

Napag-alaman na tinaniman at salarin ang siyang nag utos

Bakit ganon? Ano ang rason sa mga luha na bumubuhos?

Asa pa ba ko sa pinapangakong Pilipinas muling lilikas

At yayakapin ang pagbabago

Madami nang tao, inaalipin ng takot

Pagkalipas ng paghimas sa kamay ng mananakop

Nakakatakot na pagtingin, higpit ng kapit sa patalim

Nababalot na ng dilim, sa pagkabangungot 'di na magising

 

Aby:

Simulan na ang mga plano na kasama ang mga taong

Matagal nang nakahanda, nag-aasam ng pagbabago

Pang gagago ang naranasan sa panahon na nakaraan

Ang hamon sating kahapon ay makaahon at makabangon na

Sa pagkakadikdik sa lupa, tapik sa balikat pag lumuluha

Tahan na kamo inay, tahanan ayaw satin ibigay

Ng mga ganid sa pagkagamit ng pwesto mahigpit ang kapit at

Di na makuhang lumapit, sa nasa laylayan ng bayan subalit

Sila ang tunay na kawawa, mga pasensya ay humaba

Ang moral nila'y bumaba, nananalangin na tumama

Sa lotto na para bang poso, wala na ngang tubig na mailabas

Sayang ang boto, nagpapakabobo kung sila pa ring ang nasa taas

Na madalas, makaligtas sa mga pinasa nilang batas

Nagpadulas, nakaalpas mga posas ay biglang nakalas

Pero pag mahirap at wala talagang maibigay

Sigurado na malinaw na sa loob na maghihintay

Dumating ang araw na mauubusan ka ng mga nalalabi pa na hininga

Pano ang pamilyang sa labas naiwan, mga batang pumapasok mapapahinga

Hanggang hindi na makakatapos, lalo nang pano makakaraos

Hirap ng buhay yan ang patunay na mahigpit ang pagkakagapos

Hirap maghanap, trabahong marangal

Wala daw pakinabang kasi di nga raw aral

Di rin nagtagal, kamay nangangatal

Kutsilyong nakatutok sa babaeng nag dasal

Kung iisipin mong mabuti, ito ang resulta sila ang sanhi

Di man direkta na naka konekta pero di mo maitatanggi



P-Town Pirates - Lacoste (2018):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Mind, Body & Soul

Middle of NowHere EP
Peaceful Gemini
2018 Album

Paalam (feat. Skusta Clee)

Paalam
Future Thug
2018 Single

META

META
MM13
2021 Single

Impyerno

Impyerno
Kensa
2017 Single

Sentido Kumon (feat. Kial & Pino G.)

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

FEATURED ARTICLES