Rap Battle Verses

Loonie vs BLKD


FlipTop presents: Ahon 3
Various Emcees
2011

Round 1 (BLKD):

Deretsahan na

Kung akala mo welcome ka dito

Nasobrahan ka na naman sa Valium

Diba may sarili kang liga?

Dun ka magpromote ng kanta't album

Dahil bumabalik ka lang naman dito para sa libreng publicity

Ngayon ipapahiya kita sa harap ng mga tao ng Sony BMG

Dahil alam mo man o hindi

May mga empleyado diyang nakatingala

Freestyle mo na lang ang free

Yung kaluluwa mo may tanikala

Dahil alipin na ng mainstream tong dyino-diyos niyo

Baka hithitin mo lang sarili mo, pag kita'y pinulbos ko

Wag kang magma-angat

High ka lang pag naka-doobie

At wag kang maghari-harian

Hindi ka si Francis Maga-Loonie

Hanggang patikim ka lang naman kasi sa mga nakaimbak mong gimik

Ako almusal ko araw-araw mala-impaktong lyrics

Kaya nag-iba ang direksyon nung ako na ang umaksyon

Lahat ng tao napanganga parang nagko-komunyon

Oo, baguhan, pero may angking kagalingan

I bring the house down parang katatapos lang na bayanihan

Kaya kutyain mo pagmakabayan ko

At sa akin wala nang makakaawat

Hindi ka na magagamot ng anumang medisina

Pag sinakal kita ng watawat

Kaya, kaya easy ka lang pare ko

You're too young para magwalang-bahala

Mas marami pang namatay kay BLKD

Kaysa sa maling akala

 

Round 1 (Loonie):

King ina ka! Ang dami mong alam

Yang mga tsismis na nasagap mo, malamang galing kay Badang

Bakit mo sinasali pagdoo-doobie ko?

Wala kang paki sa imahe ko sa publiko

Ibang klase mga multi ko, grabe na to ultimo

Rapper pinu-foodtrip ko

Oras na para patulugin tong batang uhugin na to

Papasubuin ko nang walong pulgada na uten, ano?

Kasi bakla ka na talaga, since the age of one

Paborito mong event sa UP, Oblation Run

Ikaw yung tipong nerd na active sa mga forum.

Pag nag-rap wala sa metro, parang taxi na kolorum

Ikaw yung tipong rapper na good news kapag nanalo

Pero dahil underdog, may excuse kapag natalo

Oo, underdog ka nga

Mamaya sa ilalim ka ng aso matutulog

Pasalamat ka pinatulan kita

Para lalo kang mahubog

Umiinom ka lang naman sa baso kong pangmumog

Kung si BLKD ang pader, ako ang maso na pandurog

Wala akong paki kung kurso mo ay Cultural Arts

Sa rap battle kailangan puso, hindi puro lang smarts

Kumbaga sa boxing, puro ka lang amba

Ni hindi ka nga marunong sumulat ng kanta.

Pinatulan lang kita, dahil gusto ng marami

Gusto nilang masaksihan kung pano bugbugin ni Manny ang utol niyang si Bobby

Pero I'll keep it nice

Bilang idol mo, bibigyan kita ng libreng advice

Marami ka pang kakaining bigas, unlimited rice

Kasi ako ang Alpha at Omega ng mga bara

Ang mga letra di magkasya sa bodega

Parang sapatos ni Imelda

Pasang awa ka lang sa UPCAT

Pasado ako sa MENSA

Kung wala kang pang-tution, mag-aral ka dun sa TESDA

Kasi kung ako ang presidente

Wala akong pake kung mag-welga ka sa EDSA, maghapon hanggang gabi

Magbaon ka ng kape, magsama ka ng maraming madre, ka-alyado't kakampi

Unang mag-planking sa kalsada, sasagasaan ko ng tangke

 

Round 2 (BLKD):

Oo na dehado ako

Kasi yung experience mo labis

Ako underdog, ikaw ang vet

Pero wala kang gamot sa aking Rabies

Porke't galing kang street tapos na-sign

Feeling mo na you're so N.Y.

Anong tingin mo sa sarili mo L? G?

If so, then die

Dahil ang aking palaso't pana, sonic

Ang pinupuntirya eardrum

Sobrang sharp na mga salita

Para ka na ring binaril ng Ingram

At kung akala mo generic wordplay yun na wala sayong kinalaman?

Hindi, ganun ang turing mo sa mga kaibigan mo, kasangkapan

Dahil user ka

In more ways than one

Kaya ka lang nag-Barangay Tibay, kasi kailangan mo ng kapitan

Hangga't may pakinabang, nambobolang husto

Pinapaikot mo lang ang mga tao sa paligid mo , Tropang Trumpo

 

Round 2 (Loonie):

Nagbanggit ng Brgy. Tibay, halatang naiinggit ka

Hindi na nga uso ang welga-welga pare, may internet na

To na ba 'yung rap mo na pinagtulungan ng pitong tao?

Parang nagsinungaling ka lang, tapos tinugma mo?

Hindi porke't naka-salamin, tas minsan naka-backpack edukado

Mga bagsak mo'y singkupado, starstruck to sigurado

Pano mo ko matatalo? Palpak ang iyong plano

Mas matibay pa ko sa blackbox ng eroplano

Pano mo ko sisirain? Ang buhay ko ay bukas na libro

Na hindi mo kayang basahin, kasi butas yang salamin mo

Kalahating bobo, halfway na tanga

UP ka nang UP, bakit? Graduate ka na ba?

Estudyante ka pa lang, wag kang magmaganda

Ano bang pinaglalaban mo? Gagamba?

Paralisado ang kilusan, di ka na makakagalaw pa

Pano ka makikibaka kung balat kalabaw ka?

Kanina tume-test mic, test mic, naka-westside pa

Nag-aktibista ka lang naman kasi para magka-sexlife ka

Sumasali sa rally para mangupit ng sumbrero

Kahangahanga, dati-rati groupie lang ni Fuego

Nagtapang-tapangan, tumapat kay Loonie at kay Dello

Katapat mo lang naman talaga ay tubig ng bumbero

Wag ka nang magpanggap, ako ang may akda ng Magna Carta ng rap

Ang aklat na pamantayan ng lahat

Parang super saiyan, walang may kayang makipagsabayan

Parang lion kumagat

Nangungulangot ka pa kadiri ka

Tingnan mo, yung hininga niya kasing amoy ng ihi niya

At dahil nag-choke ka, magpi-freestyle na lang ako

Kanina ka pa banggit banggit ng mga drugs at mga damo

Walang kinalaman yun sa rap battle pare, ito'y tungkol sa skills

Hindi ito tungkol sa weed, tungkol sa drugs, tungkol sa pills

Kung kaya mo, kunin mo yung mikropono tanggalin mo sa stand

At sabi niya tama na daw tinaas na yung hand

 

Round 3 (BLKD):

Talagang maraming gawain ang aktibista

Kaya nga napunta ako sa maraming gusot

Nag-choke na lang ako para...

Yung pagkatalo ko if ever, merong palusot

Dahil yung kagitingan namin

Boy wala kang ideya

Yung police, kaya naming harapin

Ikaw, takot na takot sa intel ng PDEA

 

Round 3 (Loonie):

Ano ba to? Contest ng pagcho-choke?

Di ko alam kung seryoso to si BLKD? O talagang nagjo-joke?

Tingnan mo, kanina pa, tingnan mo itsura talagang pikon na

Kahit na anong gawin mo pare, hindi ka na makakapag-ipon pa

Pwede tayong magsulat galing sa utak, wala ng papel papel

Kasi alam mo naman na ako'y isa sa mga tinatapat kay Aristotle

At kahit na, at kahit na ganito, kaya ko pa ring bumalik sa eksena

Alam mo ako ang unang nagtanggal ng mga dumi dito at eczema

At para lang pakinggan mo kung ano ang gusto kong sabihin

Para maya-maya di mo na ko kalabitin para aking ulitin

Mag-freestyle battle na lang tayo dahil talagang nagchoke ka ng dalawang beses

Wala akong paki dahil nagtitipid ako ng boses

Para kay Dello mamaya, dahil pagsasabayin ko kayo pareho

Pagsasabayin kayo pareho

Kasi walang balakid sa tren na walang preno

Ilang segundo pa ba? Para maituloy ko

Nakakawalang gana tong kalaban ko talagang nasa komunoy to

Nasa ilalim at di na makakabangon pang muli

Tangina hindi ka pa tuli

Bihira ka lang makakita ng hitang maputi



OTHER LYRICS

'97 Jay-Z

Guns and Roses
Shanti Dope
2023 Album

No Fuss

…Exact Change… Reloaded
Bambu
2011 Album

TerminatorFace

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Industriya (feat. KZ Tandingan)

Sukli
Gloc-9
2016 Album

S.M.A

S.M.A
Kris Delano
2022 Single

FEATURED ARTICLES