Dello vs BLKD


FlipTop: Ahon 3
Dello and BLKD
2011

 

Round 1 (BLKD):

Sir, good evening

To be the best, sabi nila, you need to beat the best

Kaya nga kinalaban ko… si Loonie

Makinig kang mabuti, wala kong balak kumalaban ng Mongol, Shooli

Ngayon tuturuan kita ng leksyon tutal ikaw ang nag-umpisa

Gusto mo tutukan ng magka-tropa parang nung coup d’ etat

Pwes cool down nalang kita, pampatalas focus din

Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang, Mokujin

Rhymes mo laging layered

Pero still, your rapping, lamer

Binabagsak ka ng beer na parang tax evader

Kaya walang ligtas kahit bigkasin ay ga-tigdas sa daming prayer

Di mo maiiwasan ang mga linya ko parang piko sa graphing paper

Oh, diba? Hindi naman ganon kahirap ang ginagawa ni Dello

Konting jokes na may multis, basic ang disenyo

Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal

Aking asulto laging may punto na parang decimal

Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat

Walang paliguy-ligoy, straight to the point parang sibat

At hasang-hasa ang talim, may lason pa’t may sima

Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo kang masira

 

Round 1 (Dello):

Madali lang daw ginagawa ni Dello

Sabi ng kunyaring isang henyo

Oh ngayon nagkamali ka ng binigkas

Kasi ang kaharap mo ngayon ibang Dello

Sayang kanina, para kang minalas.

Alam mo yung suso? napisa nang nilamas

Pero teka, si Loonie kalaban ko ngayon eh

Pero wag na muna nating isipin si Loonie, isipin muna yung panghimagas

Ok, Balakid, B,  L,  K,  D

Batang Lalaban Kay Dello

Baka Lampaso Kita Dito

Babaon, Lalagutin, Kukutyain, Duduran

Bawat Linya Ko Diretso

May mas matalino pa sa inaakala niyong henyo

Yun ang gusto kong malaman mo

Imbes na wordplay ginawa kong nameplay

Patunay na kaya kong paglaruan pangalan mo

At ako pa haharangan mo? Sasagabal ka? Balak mo kong hadlangan?

Pag tinumba kita dito hindi ka na balakid, kasi ang dali mong hakbangan.

Sa tatlong nobenta segundo

Bawat rebutt ko pambwelta impunto

Hanggang dumugo yung ilong mo

Teka wala pang dugo sa ilong baka sa puwet nya siguro

Kasi ito ang tinatawag na... Hindi na to nose bleed, parang internal bleeding

May sakit kang Carcinoma

Kabit kabit ang pagkapanalo ko parang five rings ng logo, 1992 Olympics sa Barcelona

History, diba yan ang forte mo?

Na kayang kaya kong dayuhin

Pero yung mundo ng istilo ko, kahit pagbuksan kita ng pinto

Hindi mo kayang pasukin

Malamang sa ibang pananaw sa lipunan, pwede tayong maging kampi

Pero pagdating sa rap battle, isa ka lang barikada, ako malaking tangke

Kaya  pagdating sa history, wag ka sakin mag inarte

Isa ka lang saksi sa larangan ng Hiphop, habang ako naging parte

 

Round 2 (BLKD):

Siya daw ay iba nang Dello? I simply cannot see

Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D

At sa mga natuwa sa rebuttals nya, talasan pang magsuri

Banat ko bombang nuklear, ganti nya basang watusi

Hindi porke’t nagantihan, talo na yung unang um-attack

Ba’t ko iindahin ‘ang pitik mo eh kanina ka pa nasapak

Kanina pa kita winasak

Palibhasa basta “rebattle”, agad kayong napapahanga

Kahit simpleng simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata

At ikaw naman, sinasamantala mo ang kiliti ng crowd

Mas entertainer ka kesa artist, wag ka masyadong proud

Magparami pa ng fans, yan lang ang kanyang hiling

Sobrang dami nya nang view, kaya nya nang bumattle nang naka-piring.

Pero para ka lang namang kumanta ng naka-posas o nag-piano nang nakabusal

May added challenge nga, wala namang katuturan

 

Round 2 (Dello):

Kita mo hawak ko in-can

Hindi ito de bottle

Kasi ibig sabihin niyan

Tang-ina wala akong ganang mag-rebuttal

So, nauso lang ang Fliptop, naglabasan ang mga weak

Tapos merong humarap sakin, istilo mala geek

Diba sa PC ka nagki-click, sa Facebook ka nag-aadik

Nagbababad ka sa Farmville, kasi dun ka lang nagkaka-chick

At heto sasabihin ko talagang nakakahiya

Masipag ka kumuha ng pang gatong kasi dun ka lang nakakasibak

At ibubunyag ko na, ibubuking kita sa lahat na virgin ka pa

Tinitigasan ka sa majong set kasi dun ka lang nakakasalat

Ayokong sana maging mean sa taong mahinhin

Na pinasok ang larangan ng Fliptop, para ano? Para maging in?

Ewan ko lang kung paano ka matutulog ng mahimbing

Pag bumakat sa utak mo tong mga sinabi kong parang grafitti sa dingding

Yung mga kanta ko kumikinang, pati love song makintab

Ikaw? Pano ka gagawa ng love song? Di mo pa naranasang ma-in love

Nag-premature ejaculation ka sa babae

Kahit na sa pagtitig

Ako Skawaterhawz, ikaw squatter, pano ka magkaka-housing loan?

Wala ka namang pag-ibig

Hindi kayo close ni kupido, walang sayong kwenta ang Valentines Day

Hindi sa motel kundi sa library ka nag-oovernight stay

Kaya pag tinatanong nila pano ka nakakatikim ng ligaya?

Ang sagot nasa kanta ni Frank Sinatra, "I did it my way"

Okay malapit na mag-time

Ilabas mo na yung mga verse na binaon

Pero aanurin ka pa rin, pag aking boses umalon

Isang beses lang ako lumubog sa battle, kay Batas

Pero sa Fliptop, ako lang ang nag-iisang emcee na tatlong beses umahon.

Ahon 1, Ahon 2, Ahon 3

 

Round 3 (BLKD):

Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad

Mga linya ko panghati ng neck fret ng fender tadtad

Tong contender ko, tender ang bawat satsat

Mga linya ko panghabi ng neck  fret ng fender tadtad

Nakita mo yun? Umulit

Kasi yung utak ko makulit

Marunong ka ngang mag-multis, talinghaga na may ga-sino

May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino

Pag dating sa magagandang ideya, yang bumbilya mo pundido

Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso

May humor ka nga pero konti lang ang wit na nakabangko

Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng Santo

Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga ka-grupo mo, if not all

Pero pano lulusot ang Mongol? Kung ang balakid, Great Wall

Hatak-fans ka lang kasi, basta't patok, siyang istilo

Ako, di baleng di sumikat basta’t angat ang lirisismo

Kaya basta’t barang BLKD, may deeper meaning yan

Tinataas ko ang standard parang nagkakabit ng ceiling fan

Kaya ako ang mas magiting, manalo matalo sating gera

Parang nahimasmasang direktor, binago ko ang eksena

 

Round 3 (Dello):

Puro ka letra, di maintindihan

Para kang Snellen Chart

Hindi ka naman talaga henyo

Parang ang sim card mo lang Smart  

Ganito pala magbihis ang nerd

Sana sinama mo rito si Kahir

Para 2 versus 1

Dello vs Phineas and Ferb

Tulad ng sabi ko Skwaterhawz ako, Mongol ang lapis ko

Wag mong isabay sa kalaliman ng Pacifico ko, yung kababawan ng batis mo

Kasi seedless grapes ka lang, wala kang buto

Wag kang makipagmatigasan sa atis ko

Ilabas mo pagka-aktibista mo, ilalabas ko pagiging graphic artist ko

Bitaw mo Sepia, walang kulay

Kasi boring ang talambuhay

Ako nagbebeat na ko ng Illusionism

Ikaw ilusyonado, para kang tumira ng talampunay

Isa kang mabuting ng halimbawa ng makata...

Ng makatang walang husay

Tapos parang malabo ang iyong kulay

Parang sinobrahan ng tubig yung water color

Hindi ka malakas sa verse BLKD

Malakas lang sayo body odor

Kaya ang baho mo

Hindi mo alam gamitin yung tabo niyo.

Ang dating mo sakin parang small low-dense photo image

Pixelated sabay 22DPI na resolution

Sa madaling salita, ang labo mo

Nadinig mo yung mga banat ko

Hindi ako nagchoke

Kasi walang nagcho-choke na freestyler

Alam ko yun kasi nakaharap kayo ng matibay na rapper

Rapper na hindi pambalot, ako ang kilabot

Pasalamat ka nga, yan lang ang yong inabot

 

SEE ALSO

Latest Article

Zoning 14 Experience (Mula Sa Isang Fan)

  • By Alfred David
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Fire for the People
Bayani
Blue Scholars
2007
O.W.P.O.
Dear Critics
Ghetto Doggs
1999
Monday
Bad Burn
FOSSILS (feat. WYP and Bedsettler)
2017
Bayad Ko
Matrikula
Gloc-9 (feat. Noel Cabangon)
2009
Alastress
8:01 EP
Because
2017