Single

MKPGSBYN


MKPGSBYN
P-Town Pirates x Migo Senires
2016

MATT:

Sinong nagsasabing hindi ako malakas

Wala ka pa sa kalahati ng tinahak kong landas

Ngayon ka palang umaani ng sarili mong bigas

Papano ka makakarami kung lalagyan mo'y butas

Ngayon isisiwalat di na papaawat bawat sulat na

Sumusugat na bumubuhat ng mabigat na

Pasanin mapasakin lahat ng pinaghirapan ko

Matagal kong pinagipunan, pinagaralan, pinagisipan to

Bago ilabas nagsimula sa baba bago tumaas

At bago tumalas ang aking isipan

Ako ay tumakas sa aking kulungan

At ipinimalas angking karunungan

Hindi uurungan ang hamong makaahon

Na mas lumakas pa kaysa sa kahapon

At bumukas ang sinaradong pintong

Siguradong lalabas nakatagong baon

 

Hook:

Ito ang katibayan kayang makipagsabayan

Sa walang bilib at walang tiwala

Sa bukambibig di naniniwala

Ito ang katibayan kayang makipagsabayan

Ngayon mabibilib di inaakalang

Maririnig at makikilala

 

Whiz B.:

Gaano ba kasarap ang karne sa aking bungo

Matagal kong niluto at muntik nang kumulo

Ang dugo sa kahihintay na to ay maihain

At ilawan daang tatahakin gamit ang sulo

Nag-aapoy sa init ang mga katagang talgang nakakapaso

Nakakakilabot pag nadinig parang dumilim umalulong ang aso

Ano ang kaso? Walang atraso mala-abugado kung magdahilan

Laging tanungin Wag mong inumin pag di mo alam ang laman ng baso

Kalagan ang mga nakatali ugh

Palagan ang mga nanghahawi

Tibay ng pundasyon kasabay ng pundasyon

Para makayanan ang mga buhawi

Tumutulo ng katas ng inipon kong lakas

Makikita sa bakas umuugong sa labas

Lumalabas ang tunay nawawala ang hinay

Gumagawa ng ingay magmula mahina palakas

 

Repeat hook

 

Migo Senires:

Tila maraming parang bagong sinding kandila

Malakas lang ang dating sa umpisa hanggang tumila

Marahas man ang kalsadang tinahak ko na Maynila

Ay bagkos bitbit parin saking likod berdeng bandila

Sa kultura na kinagisnan maraming naulila

Unaunahan sa pila, nagsiubusan ang mahina

Di ko maatim na may itim na aninong gusto bumida

Papaamuhin, sasalubungin, pos titirahin ka sa eskenita

Maraming ganyan! akala mo'y tunay mong kaibigan

Paninira ng puri ang nahiligan

Palibhasa nung bata'y di napakinggan.

Tapos nung pumutok? akala kung sino, panggap na padrino

Talino ay kulang, yari sa magulang, paano mo maaabot ang rurok

Sa istilong bulok

Tulak tulakan at walang hilaan, wag kami bata yung iba na lang

Pano mo naaatim ang itim na lagim at sakim mo na balak?

Wala kang kahahatungan pag sigaw ko ng awat!

Tumakbo ka na pag bilang ko ng apat

At saking muling pag dating

Magtago't andito muli ang pating

Walang awa



OTHER LYRICS

Para Sa Streets

Para Sa Streets
Hev Abi
2022 Single

Higher Learning

Higher Learning
Space Impakto
2016 Single

Kumusta Hip-hop?

Kumusta Hip-hop?
Zikk
2012 Single

Bitch Repellent (feat. WAIIAN)

Bitch Repellent
J. Blaze
2017 Single

IAFLS

IAFLS
CLR
2017 Single

FEATURED ARTICLES