Album

Nag-iisang Mundo


Ako Si…
Gloc-9
2005

Verse 1:

Natatandaan mo pa ba kung ano ang tunay na kulay ng tubig

Sa batis sa mga bata na nagnanais na magtampisaw

Tanging ikaw at ako lang ang makapagbibigay

Ng kasagutan sa kung saan ba talaga papunta

Ang mga puno sa gubat wag tayong magulat

Kung isang araw tayong lahat ay mamumulat

Na wala nang hangin na papasok pa sa ating katawan

Ang lahat ng ito ay dahil sa ating kagagawan

Kung meron pang natitirang malasakit sa kalikasan

Kapit kamay tayong lahat magtulungan

Samasamang umawit kami ay yong sabayan (2x)

 

Bridge:

Bundok ng basura

Ilog na nananalanta

Hangin na lason ang ihip

Tanim na sa isip ko't kamalayan

Puno, nangingibang bayan

Ulan dala'y karamdaman

Tubig na malinis binibili

Baka pati ang hangin sumunod

 

Chorus:

Tabi tabi po sa mga magulang namin

May nais lang sabihin sa inyo

Ang nagiisang mundong iniiwan niyo sa amin

Paka ingatan lang nang husto

Tabi tabi po sa mga magulang namin

May nais lang sabihin sa inyo

Ang nagiisang mundong iniiwan niyo sa amin

Paka ingatan lang nang husto

Paka ingatan lang nang husto

 

Verse 2:

Gano pa kadaming buhay ang dapat nating ialay

Upang mapakinabangan ang bawat butil ng palay

Na palaging nasisira kapag umulan

Wala ng puno sa gubat kaya di na mahadlangan

Ang pagkalason ng hangin

Ang tangi naming dalangin

Ay may abutan pa ang mga susunod pa sa atin

At di na sana maamoy kung gano kabaho ang

Ilog na dati'y palagi kong nilalanguyan

Ang napakalawak na lupang puno lamang ng basura

Di mapaglalaruan ng mga susunod na bata

Na siyang sasalo sa ano mang ating pinag gamitan

Kaya sama sama nating alagaan ang kalikasan

 

Bridge:

Bulok ang ani sa dagat

Lason ang baboy at baka

Bukid sa lalawigang malinis

Tanaw lang sa textbook ng paaralan

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Wag hintaying maubos ang gubat

Bago tayo sa problema'y mamulat

Bigyang pansin ang taghoy ng ating ina

Ngayon, ngayon

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Torpedo (feat. JP Cuison)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

Tuloy Lang Ang Ride

Sky Money
Bugoy na Koykoy
2023 Album

Hanggang Sa Huli

Hanggang Sa Huli
Alisson Shore
2018 Single

Litrato (CHELLY)

Litrato
CHELLY
2019 Single

Kaibigan Ko (feat. The Hardware Syndrome with Itoy and Willie)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

FEATURED ARTICLES