Single

Paglisan (feat. Yumi)


Paglisan
Flict-G
2014

Chorus:

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

 

Verse 1:

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan

Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan

Nung umibig nang lubos at ibigay ko ang lahat

Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat?

Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo

Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito?

Pilit na inaalala mga bagay na nangyari

Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari

At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap

Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap

Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman

Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan?

Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita?

Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala

Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran

Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan?

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob

At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog

Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam

Katagang nais sabihin hindi ko man lang nabitawan

Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali

Di na ko muling hahabol at magbabakasakali

Na maibalik ang dati at makapiling sa tuwina

Ang isang katulad mo pagka't wala na ngang pag-asa

At hindi talaga tayo ang itinakda ng diyos

Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos

Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan?

Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran

Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo

Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo

Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito

Salamat sapagkat naging bahagi ka ng buhay koh!

 

Bridge:

Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ang lahat?

Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matanggap

Hindi ako nagkamali at nagkulang sayo sinta

Ngunit anong isinukli?

Iniwan mong nag-iisa

 

Outro (with chorus) (2x):

Walang pagsidlan ang saya nung makilala ko ikaw

Ngunit lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw

Tanggap ko na kung di ka sa akin, ikaw ay sa kanya

Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa

Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito

Ngunit di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo

Kasi sobrang mahal kita, yan ang pakatandaan mo

At minahal kitang lubos ng higit pa sa buhay ko



OTHER LYRICS

Fly Away (feat. Pow Chavez)

Last Of A Dying Breed
Blaze N Kane
2014 Album

WALWAL

WALWAL
VVS
2019 Single

Endless

Endless
Sanggang Dikit
2016 Single

Freefall (feat. QUERUBIN)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

RISPONZ (feat. Calix)

KOIGIRL
FEIFEI
2021 Album

FEATURED ARTICLES