Album

Patibong


Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
Producer: UMPH
2015

Verse:

Gaano kahalaga ang buhay kinilala mong makulay

Di natin namamalayang may naghihintay na hukay

Wag kampanteng silay tunay may isang traydor sa hanay

Pagkatalikod mo nasa kamay nila ang iyong bitay

Labing dalawang balang binuro

Tatlo’y tinira sa ulo

Sirkulasyon delubyo kahit kanino ay tutungo

Napilitan kang matuto nasa putik masanay

Pagsapit ng dapit-hapon may nakabulagtang patay

Sino ang salarin nabulabog ang balita

Ang nakatakip na dyaryo sa harap yun din ang makikita

May gusto mag testimonya nagpakilalang saksi

Pag pasok sa eskinita may saksak na sumalisi

Naka piring ang mata ng pobreng napag bintangan

Nang siyang may sala lumalamay tila walang kinalaman

Sabay abot nang ebidensya sa naka asul na uniporme

Kapalit ng sobre patunay na napaka kipot nang mundo

Marahan ang takbo suspektado ang sanggano na naka buntot sayo

Alam ang impormasyon at buong pangalan mo

Wala nang titibok sayong dibdib sa pagitan ng ilang segundo

Kaunting pintig

Naka reserba sa pulso nakalaan sa pag hinga

Panaghoy mo ng saklolo

Maswerte ka at ikaw ay nag iisa kayakapan nang mahigpit ang mas nauna

Kasi sa panahong ito tao na ang nagdidikta

Hanggang kailan at kung ilang beses ka nalang hihinga

Mahuhulaan mo pa ba ang salarin sa kanila

Ang hustisya ay may bulsa kaya namamanipula

Bigo nang madurog ang takot sa loob

Ng mapanganib na sulok

Bulok ang puod aking nakikita sa trono mga hayok na hayok

Itikom ang bibig at baka ikaw ang isunod



OTHER LYRICS

Between (feat. Young Echo)

Between
Allegra
2019 Single

Right Back

Hue For Ya
Sica
2021 Album

PALUMPALO

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

Cypherpunk

Expansion Pack
Shadow Moses
2016 Album

Hermano (feat. August Wahh)

INVERSE
RBTO
2012 Album

FEATURED ARTICLES