Hindi Biro


A.G.I.W.
KJah
Producer: Juss Rye
2015

Verse 1:

Ilang beses na ko nag tagumpay ikaw ang saksi

Galing sayong labi ang gustong-gusto kong marinig

May bibilib ng aking likha

Heto na nga sabi sakin ng aking idolo

Resulta yan nang pagpapamangha

Kaso wala ka naman sa ating pinag usapan

Akala ko ba naghahanap ka ng makukuhaan

Aking produkto ikaw ito'y iyong kailangan

Malapit na tindahan dina-daandaanan

Kala ko yun na ang tinatawag nilang sukli

Sa pag hihirap kong matupad aking minimithi

At di ka nagkamali nag mensahe ng hindi

Paumanhin bukas nalang di agad ako nakauwi

Salamat sa presensya mo nandiyan ka naman palagi

Pag may bago akong gawa di mangako'y di maari

Ako'y busog impatso sa iyong mga salita

Pero pare minsan patunayan mo ko sa gawa

 

Chorus:

Salamat sa suporta, sa suporta mong sususususupoot

Salamat, salamat sa suporta, sa suporta  mong sususususupoot

Salamat, salamat sa suporta, sa suporta  mong sususususupoot

Salamat, salamat sa suporta, sa suporta  mong sususususupoot

 

Verse 2:

Kung san kita naging paborito yong pag-aari ni Anygma

Kung san sumikat si Sinio hindi ka basta sino

Hanga ako sayo naiiba ka sa susunod mong laban

Magsasama ako ng limang Kjah astig

Ireserba mo ang kopya ko Sa Gitna Ng Prusisyon

Ano ang sikreto mo ang bangis nung dwelo buti nga sinunggaban ako

Abot ibang bansa pati si Ill-Jnapa hanga mo mga walo

Ang kaibigan ko tirahan mo din

Lagi kaming nag-aabang sa awit mong babanggitin

Kukulitin ka namin makipansin sabay tingin

Sa lente ng aking telepono ang gagaling ng katabi ko

Rin at makaka-asa kang tunay na suporta

Sa konsyerto mo di pa ko nakakapunta

Mula noon hanggang ngayon wala akong nakolekta

Sa susunod ay mas marami akong isasama

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Salamat ang tamaan at kung meron man

Yun ay silang mga nangako aking tinandaan

Imbis na sa pag usad ng aking pag dadalhan

Sa pag bagsak ko kayo pa magiging dahilan

Magsisilbing ganti naputol na pisi bahagi ng aking isip

Ika'y dapat na magsisi kung di mo to binusisi

Ay wala ring iintindi

Sa hinaing ng kapwa ko nagtitiis gabi-gabi

Alam kong mahirap kumita hindi to tungkol sa pera

Sa katunayan ay kalaban ako ng sistema

Ngunit meron tanong di ko mabigyan nang sagot

Bakit pag dating sa bisyo ay meron kang pang lagok

At sa tingin mo ba pinipilit kong mapuyat

Pinipigil kong matulog nang meron sayong iulat

Kung dapat alamin para sayo sinasaulo

Di bali nang mangayayat ang trabaho ko’y di biro

Hindi biro

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

MC Spotlight: Cobs

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Target vs Badang
FlipTop: Unibersikulo (Dos Por Dos Finals)
Target and Badang
2012
Handa Na Ba
Mabanges
BB Clan
1998
ARWARW
Single
Migo Senires
2015
Since You’ve Been Gone
Single
5th Wave Theory
2011
Mitsa (Buencamino)
Single
Buencamino feat. JMara
2020