Single

Unan


Unan
Freek
2018

Verse 1:

Umiiyak ka nanaman... at nagdaramdam

Lagi nalang ganyan

Ganun parin ang dahilan... siya na walang ibang alam

Kundi ika'y saktan

Pisikal man o emosyonal, sugatan kang iniiwan at di masolusyonan

Nangingibabaw ang katwiran na mahal mo siya

Kaya pagtiisan nalang ang iyong naging pasya

Ayokong tawagin ka na martir o tanga

Pero dapat magtanda at mag-retiro ka na

Sa pagiging masokista sanay ba talaga?

Dahil alam mong di niya alam ang tunay mong halaga (bat hindi nalang kasi...)

Ibaling ang tingin sa tulad kong matagal na sayong may pagtingin

Na ang tanging hangarin ay ang mahalin

At habambuhay ka na lambingin, o di kaya'y...

 

Chorus (2x):

Pakinggan mo ang pintig ng dibdib ko nang malaman

Na ang sinisigaw nito'y wala nang iba kundi ang iyong pangalan

At para marinig mo nang maigi iyong tutukan

Halika dito tayo sa higaan, yumakap at ito'y gawin mong unan

 

Verse 2:

Gabi ay malamig pa naman at sakto kabilugan ng buwan

Buklatin natin ang kumot upang tabunan ang ating mga katawan

Haplos ng aking kamay sa iyong buhok habang nasa bisig ko

Ay paraan din para sayo'y sabihin ko na ligtas at protektado ka sa piling ko

Pawiin natin ang hapdi sa pamamagitan ng halik na may pananabik

Na makasama ka, siguradong ang ngiti sa'yong mga labi ay muli kong maibabalik

Hayaan lang maging reyalidad ang pantasya ko

Ipapadama sayo ang importansya mo

kung nagawa ka niyang gaguhin, papakita ko kung pano ka dapat tratuhin (subukan mo lang kasing...)

Ibaling ang tingin sa tulad kong matagal na sayong may pagtingin

Na ang tanging hangarin ay ang mahalin

At habambuhay ka na lambingin, o 'di kaya'y...

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Tawag ka lang anong oras man naisin

Darating ako kahit pa bagong gising o inaantok, biglang kakatok

Sa iyong pintuan kaya agad mong papasukin

Tutulungan kitang maka limot sayong kahapon

Ngayon pwede bang makalikot ang mundo mong wasak?

Kukumpunihin, bubuoin para bukas magpatuloy sa pag ikot

Ang sariwang hangin na hatid ng awitin ko

Ay langhapin ng puso mong paralitiko

At naghihingalo kaya damdamin ay natigok

Sabayan ng usok, ibalik ang pag tibok

Para tamaan kung ikaw ay nag mintis sa pag pili

At maisip takasan na imbis manatili

Mugtong mga mata mo ay kusang pipikit

Malagkit na tingin ko'y subukang dumikit

Sa iyo, hanggang sa mahimbing

Masalimuot na ala-ala ay ilibing

Para matanto ang tunay na pag-ibig

Damahin mo ang tahimik na paligid at...

 

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

Huling Liham

Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018 Album

Sentido Kumon (feat. Kial & Pino G.)

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

Shehyee Loves Me

FlipMusic Volume 3
Various Artists
2011 Album

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio)

Prototype
Dello
2014 Album

What Do You Want From Me?

Crash and Burn EP
Calix
2021 Album

FEATURED ARTICLES