Chorus:
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo
Verse 1:
Makinig sa kuwento, 'di to inimbento
Nangyayari sa buhay, depende sa porsyento
Na kasali, madami, nadali, iisang finale
Pwedeng ale, lalaki, may-ari, lahat ay kasali
Walang pinapatawad 'pag alam na matulungin ka
Lalatagan ka na lang ng pain, tutuhugin ka
Totropahin, bobolahin, laging pupurihin ka
Mabubulaklak na mga salita, pupunuin ka
Tapos biglang may magkakasakit, sa 'yo unang kakalabit
Panay-panay ang bili ng bagong sapatos at damit
Teka lang, kailan mo nga ako babayaran ulit?
Biglang kakaripas ng takbo na pinakamalupit
'di mo na makita kahit sa kanila
Pero panay ang post na siya palagi ang pabida
Puro lang salida, tila wala namang bisa
Parang takong 'di natisa, malakas pero mahina
Hoy!
Chorus:
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo
Verse 2:
Bakit ka ganyan? Sana'y hiningi mo na lamang
'kala ko'y kakampi ka, yun pala ay kalaban
Tinulungan ka na nga, ako pang sinangkalan
Bibitawan, iiwanan, at agad na tatapakan
Tapos 'pag kaharap ay tila ikaw pa ang nalugi
Puwede sa iba, pero hindi sa 'yo ang sisi
Kahit anong haba ay mauubos ang pisi
Mahirap ang magtimpi, parang pinipigil na ihi
Huwag mong sisirain ang sarili mo sa pangako
Na hindi mo kaya na tuparin at mapapako
Mga baga sa apoy na sadyang nakakapaso
Ang ganyang ugali, baka sakali, ay itago
Huwag nang ilabas at nang hindi na pamarisan
Kahit na maligo ng alahas at bihisan
Dahil sa pag-iwas, panalo ka sa pabilisan
Kailan ma'y 'di mo ikayayaman 'yan, kaibigan
Chorus:
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?
Utang ay utang, kusang lumutang
Huwag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan, nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo
Outro:
Kapag umutang ka ay hindi lamang pera ang inutang mo
Nangutang ka rin ng hiya, respeto, at pakikisama
Depende na lang 'yan kung maibabalik mo nang buo
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																									 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																										 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																														