Single

Wag Ako


Wag Ako
Asser
Producer: Youngfil
2014

Intro:

Marami na ang bumabattle ngayon

Marami na ang mga naghahaman

Ewan ko kung sino ba sila?

Malamang di niyo ko kilala

 

Verse 1:

Wala ka pang alam at talagang kulang kulang

Maghahamon ka na sa akin eh kung alam mo lang

Kung paano ko pinatumba ang mga nagsipagbida

Ako pa ang inimbita na kahit magsipag sila

Na magsulat na magdamag alam kong kakalabasan

Basic rhyme nanaman, pano niyo ko lalagpasan?

Matatag ba yan? Eh baka umiyak pa yan

Tuwang tuwa siguro yan kapag aking inakbayan

Wag ka magmaktol, diba idol mo ‘ko tol?

Nainggit ka lang kaya gusto mo maghabol

Sa tinatamasa kong respeto kahit sang aspeto

Mga ko’y angat kahit na anong konsepto

‘Lika making ka, baka manginig ka

Di ko pa nilupitan baka bumilib ka

Pangalan mo titirahin ko lang nang palihim

Masarap ba? Ito ang una kong patikim

 

Chorus:

Wag ka muna mag hamon

Kasi mga bara mo lahat ay patapon

Kung gusto mo na lumaban magpahasa

Nang mabuti para meron ka nang pagkakataon

Wag ako dun ka muna sa iba

Payo ko para hindi ka mapahiya

Kung gusto mo na lumaban magpahasa nang

Mabuti nang sa ganun labanan na kita

 

Verse 2:

Di ka kagalingan wala pa sa kalingkingan

Ang labanan ako gago ay hindi yun kagitingan

Magi sip isip ka nga, ano bang panama mo?

(Tatalunin ko si Asser!) Anong drama mo?

Ano bang nakain mo baka hindi natunawan?

O sadyang tanga ka lang at di maunawaan?

Payo ko sayo matuto kang lumugar

Kung ayaw mong gumuho ang lahat ng ‘yong pinundar

Pinundar? Teka lang sa tingin ko wala

Pasensya na kung namali ako sa huling kataga

Kaya pala hindi ka natatakot na madapa

Eh pag tinalo rin kita wala ‘kong mapapala

Kilala ka ba? Meron ka bang kinita?

Sikat ka? San? Sa inyong eskinita?

Nagmamagaling ka pero wala kang ebidensya

Kanta mo sa kanto ko malayong diperensya

 

Repeat hook

 

Verse 3:

Pangatlong banat na oy bakit nakikinig ka pa?

Tinatamaan ka ba’t parang nanginginig panga?

Wag ka nang magtaka ako ngayon ang pasimuno

Sabi ko kung titira ka dapat pasiguro

Bawal ang daplis gusto ko sagad sagaran

Kung babawi ka sa akin gusto ko agad agaran

Ayoko sa lahat yung mga kukupad kupad

Ang babaho ng dating tapos kukupal kupal

Alam mo na ngayon na di mo ko pwedeng maihambing

Sa mga kasabayan ko na may ugaling balimbing

Na kung sinong kahalubilo todo puring magaling

Nanalo lang sa battle kala mo malayong narrating

Masasabi ko lahat ng gusto ng aking bibig

Ako’y Malaya sapagkat wala kong tali sa leeg

Sa mga nakikinig dyan na tanga at bobo

Tinitira niyo ko sa paghanga niyo ng todo

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Bagay Tayo

Bagay Tayo
ALLMO$T
2018 Single

Fire for the People

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

WUTS RLY GUD

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

Bootyful (feat. Jroa, Emcee Rhenn, Flow-G, Brando, & Bosx1ne)

Ex Battalion The Concert
Ex Battalion
2017 Album

Love

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

FEATURED ARTICLES