General

Mga Prediksyon Sa FlipTop Ngayong 2026 (Mula Sa Fans)

Ano kaya ang mga mangyayari sa liga ngayong 2026? Eto ang tingin ng ibang solidong fans.

Ned Castro
January 29, 2026


2026 na! Bagama’t wala pang opisyal na announcement tungkol sa mga plano ng liga para sa taon na ‘to ay marami nang mga excited sa susunod na kabanata. Habang hinihintay ang post ni Anygma, nagtanong muna kami sa ilang mga solidong fans ng FlipTop kung ano ang tingin nilang mangyayari ngayong taon. Tandaan na opinyon lang nila ‘to at hindi siguradong magiging totoo, pero malay natin! Game na…

Fan 1:
Tingin ko isang makasaysayan at unpredictable na Isabuhay na naman ang masasaksihan natin. May mga old gods na sasali pero di rin magpapatalo ang bagong henerasyon! Saka na ako magbibigay ng prediksyon sa kampeonato pag nilabas na ang opisyal na lineup. Sa ngayon, hula ko ay mas maraming surpresa at nakakagulat na pangyayari sa parating na torneo. Anygma, ilabas mo na ang bracketing!

Fan 2:
Marami ulit tayong mapapanood na mga super rookie. Hindi ako magugulat kung may ilan sa kanila na magiging bagong “meta” ng battle rap. Sobrang dami nang mga underground na liga ngayon kaya tingin ko ay panahon na para bumalik ang Won Minutes. Sana meron din sa labas ng Metro Manila. Ang daming malulupit sa probinsya sa totoo lang! Sinong mga aspiring emcee ang gusto niyong makita sa FlipTop?

Fan 3:
Baka malabo pa mangyari ‘to pero libre ang mangarap hehe! Parang nararamdaman kong magkakaroon ng ilang English Conference battles sa 2026. Maraming emcees ngayon na mukhang kayang makipag bakbakan sa Ingles at mapantayan o higitan ang materyal nila sa Tagalog. Muling lumalakas din ang eksena ng international battle rap. Baka pwede nang magka Tectonics ulit!

Fan 4:
Sobrang saya ang mga big stage battles pero ibang klase din ang experience ng pagnood ng small room. Marami rin ang sangayon diyan kaya naman tingin ko ay marami ulit small room events ngayong taon. Nandun ako nung Zoning 20 at 21 at talagang nag-enjoy kami ng mga tropa. Maliban sa hanep na battles ay ang ganda pa ng venue! Sana magka event ulit sa Matchpoint!

Fan 5:
Hindi lang isa kundi ilang mga old gods na matagal nang hindi sumasalang ang makikita ulit natin sa FlipTop ngayong taon. Sigurado sa Ahon sila sasalang pero hindi din ako magugulat kung may mga lalaban din sa ibang events. Baka may mga mag-aalter ego din! Anuman ang mangyari, tingin ko ay panalo tayong lahat mga fans. May mga naiisip akong pangalan pero sa’kin nalang yun para mas epektibo ang surpresa (kung matuloy man).

Fan 6:
Hula ko na magkakaroon ng events sa labas ng Maynila at hindi lang sa Gubat. Sana bumalik ang Pakusganay pati na rin Aspakan, Kataga, Hukuman, at iba pa. Sana dumayo din ang liga sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan. Halos bawat parte ng Pinas ay may malakas na hip-hop scene. Siguradong naghihintay sila ng FlipTop! Sa mga organizers diyan, mag-PM na kayo kayla Boss Aric.

READ ALSO: Mag-ingay!: 10 Classic FlipTop Battles Na Naganap Sa B-Side

Kayo? Ano mga prediksyon niyo? Pagusapan natin yan sa comments section. Suportahan niyo rin yung mga paparating pang uploads mula Zoning 20 at 21 pati Ahon 16. Marami pang malulupit na battles dun! Syempre, magkita-kita tayo sa susunod na events. Mag-ingay!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT