Alastress


8:01 EP
Because
2017

Verse 1:

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas?

Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala pa ba sayong naghahanap

Ayoko sana na maging istorbo sa iyong pagsasaya, alam ko naman na merong ganap

Pero ang magulang mo ngayon malamang nag aalala, dapat umuwi ka nang maaga

At hindi naman yun para lang sa kanila, alam mong madilim na sa kalsada

Iniwanan ka na ng iyong mga kasama, mataas ang tsansa mo ngayon na mapahamak

Minor de idad ka palang, pero ang lakas mo nang makainom

Sabihin nalang nating masarap talagang tama ng alak pero mga kasama mo'y masasama ang intensyon

 

Chorus (3x):

Alas tres ng madaling araw asan ka na ba?

 

Verse 2:

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas?

Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala na ba sayong naghahanap?

Alam ko na masarap maging kolehiyala, pakiramdam mo ay alam mo na lahat

Ang pag iinom ay iyo nang napagaralan, kaya dyan ka nalang bumabagsak

Ang baon na binibigay sayo ng yong magulang, ginastos mo nalang lahat sa toma

Sila'y pinunong puno na, hindi naman nagkulang pero sumosobra ka na

Kailan ba hihinto yan?

Wala ka na bang balak na pumasok? Kaya tinutulugan mo'y harap ng sinaraduhang pintuan

Imbis na matapos ang pagaaral, tinapos mo ang yong kinabukasan

 

Bridge:

Anong oras ka na ba matutulog?

Makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na

Bakit nakaposas ka na sa kamay niya

Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na

 

Repeat chorus (4x)

 

Verse 3:

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas?

Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Ang dami na sayong naghahanap

Bakit ba nakatayo ka lamang sa kalsada at iba't ibang bubong ang tinitingala?

Nakapangalis pa tuwing madaling araw, nagbibihis para lang mahubaran

Masyado ka naman atang na nalulong sa alak, wala nang ibang mapagkakitaan

Ang yong katawan ay iyong ipinapahamak sapagkat yan na ang tawag mo sa iyong kasiyahan

Ba't pinabayaan ang yong sarili, ba't hindi malaman, sakali na maisip

Na kaya mo pa na sumigaw at pumiglas, kumawala pero pinili mo nalang na manahimik

 

Repeat bridge

 

Verse 4:

Bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas?

Ano ang ginagawa nila ganitong oras? Ngayon lang kitang nakitang humiga

Ngayon na't nakapikit nang yong mga mata, sana sayong buhay ika'y naging masaya

Dati ay marami pa sayong naghahanap, ngayon ay alam na namin na wala ka na

 

Repeat chorus (4x)

SEE ALSO

Latest Article

FlipTop 2020: What A Year

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022

OTHER LYRICS

Inday
MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9 (feat. Cathy Go)
2012
Hindi Sapat
Liham at Lihim
Gloc-9 (feat. Denise Barbacena)
2013
Ito Ang Kanta
Single
3 Thug Jewels
2015
Sometimes
Heavy Eyes
June Marieezy (feat. RBTO)
2011
Venus
Wala Pang Titulo
Ron Henley (feat. Yumi)
2013