Album

Medisina


8:01 EP
Because
2017

Verse:

Alam ko mabigat ang damdamin, sa mga nangyari alam kong

Nasaktan ka nang labis kahit na

Nakangiti sa harap ng mga kaibigan

Mga negatibo'y di mo maiiwasan

Kahit na mabuhay gusto mo na tigilan

Iniintidi kita pero sana pag isipan

Na tinula mo na sakin yan

Pinapatay ka ng iyong sariling pag iisip

Ayaw sumaya kahit na iyong ipilit

Hindi mo malaman ang sagot kung bakit malungkot

Kaya ang yong sarili sinisisi

Mag kita na tayo at dalhin at ibuhos mo na sakin ang bigat sayong balikat

Ang pananakit sayong sarili ay tigilan

Walang dugong tutulo sa pulso mo kung may mapag sasabihan

Walang umiintindi sayong nararamdaman, minsan kalang ngumiti

Ako'y tunaw pag nasusulyapan, laging basa ang pisngi

Sa kakatulo ng yong mga luha

Walang matulong ang mga kaibigan

Umunawa'y di makuha

Di matuyo ang yong unan

Tumabi ka lamang sa akin at yumakap ng mahigpit

Mapayapa ang gabi mamaya sa pag pikit

Sigurado na ang tulog ay mahimbing

Ang yong mga luha ay punasan mo na

Susubukan ibalik ang kislap sayong mga mata

Ang lahat ay gagawin para lang sumaya kaya tumahan ka na

 

Hook:

Hindi kita masisisi bakit ka ganyan

Sa daming nangyayari araw araw kay matapang at nandyan nananatili

Kung saan ka man

Kung ngayong gabi ay sisimangot ay handa kong mag silbeng

Iyong medisina, medisina, medisina

Ay handa kong mag silbing iyong medisina, medisina, medisina, medisina



OTHER LYRICS

Bronze Watch

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Dalawampu't Dalawang Oo

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Lagabog (feat. Illest Morena)

Lagabog
Skusta Clee
2023 Single

Brown Out

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Agawon

Agawon
CLR x Denial RC x Deadkey
2018 Single

FEATURED ARTICLES