Album

Alitaptap

POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
Producer: Goodson
2021

Intro:
Naisip ko lang
Kaya pa kaya ni Gloc-9?
Yeah, yeah, yeah, yeah (Goodson Hella Bad)
Yeah, yeah, yeah

Chorus:
Ang pagtingin mo sakin dati'y
'Sing liwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako'y nahilig)
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi)
Mga akala kong akin (komportable sa miserable)
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin
Ika'y mistulang alitaptap

Verse 1:
Ilan na'ng mga ginawa ko para sa iyo (tangan ko)
Pati sila, kasi walang iba (lahat ng 'yong)
Akong inisip kundi ang iyong kapakanan (pangako mag)
Mabusog ka lamang kahit tiyan ko ay kumakalam (mula pa no'ng)
Sinong may alam ng totoo? (tayo ay)
Lahat kayo, pwera lang ako (nangako sa)
Nalilito sa balatkayo (isa't isa)
Balahibo ko nakatayo (magsasama)
Di ko inakala na (ngunit nag laho)
Kung sino pa ang siyang nagsasalba (ang mga kulay)
Ng wala nang ilalim na alkansya
Nakahandang ibigay ang lahat ng kanya (alay mo saking bulaklak)
Tama ba na umasa pa?
Kung ako'y naging babae, nagahasa na (ako na lang ba ang magpapatunay)
Parang mga paborito kong kanta
Pero ayaw kong mangyari sa isang banda (habang ang luha'y pumapatak)

Chorus:
Ang pagtingin mo sakin dati'y
'sing liwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako'y nahilig)
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi)
Mga akala kong akin (komportable sa miserable)
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin
Ika'y mistulang alitaptap

Verse 2:
Kinakausap pero di mo na ako tinitingnan
Hingi ka nang hingi kahit palagi kang binibigyan
Mga masasayang araw na aking tinatandaan
Kapag tinatanong ay di mo na alam kung kailan
Kapag ako ay lumalapit, lagi kang lumalayo
Hinihigpitan ko ang kapit kahit na puro dugo
Sa aking palad, parang mga bubog na buo-buo
Tuwing ika'y aking hahalikan, ika'y yumuyuko
Ako na lang ba ang siyang may buhat sa ating dalawa
Minsan tinatanong aking sarili kung kaya ko pa
Ngayon, ika'y nasa tabi, tapos biglang mawawala
Ikaw ay mistulong alitaptap saking mga mata

Chorus:
Ang pagtingin mo sa 'kin dati'y
'sing liwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (bakit nasilaw? Bakit nahilig?)

Refrain:
Ako'y lakad nang lakad nang lakad nang lakad (bakit pagsapit ng dilim)
Tuyo sa kalsada, sa baha nakababad (mga akala kong akin)
Mga paa't kamay ko ang siyang nagbayad
Parang may makalawang na lagaring nakasayad
Gumagalaw kapag sinasabi kong mahal kita (kahit na pilit kang abutin)
Ako daw lamang naman at wala nang iba (saking paningin)
Eh ikaw, kaya mo bang buhatin ang dala?
Pabigat nang pabigat, nahahalata ko na (ika'y mistulang alitaptap)

Outro:
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah

OTHER LYRICS

Hari Ng Tondo (feat. Denise Barbacena)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Outside

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

The Inkwell

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Shabugg

Hendrix EP
Abra
2018 Album

Mula Sa Kailaliman

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

FEATURED ARTICLES