Single

Bituin (feat. Vernielou)


Bituin
LarkMester
Producer: Chuki Beats
2017

Verse 1:

Sa pagkagat ng dilim, kasabay ng aking paglingon

Sa alapaap ay dumanak ang dugong kulay itim

At para bang ang araw ay binalot ng piring

Ngunit ganun pa man, hindi nagbago aking pagtingin

Dahil nagkalat, sa himpapawid mga kristal na marahil

Marami pa sa buhangin sa dagat, salamat sa langit na nagsilbi nating liwanag

Libong tala ang pinagtagni-tagni ko

At dito nabuo kumukutitap na ngiti mo

Animo ako'y nasa isang paraiso

Nakahiga habang nakatingala sa virgo

Nakahandusay, buhok mo ay naka lugay saking bisig

Ating luha'y nangingilid

Pinanunuod ang pagsabog ng mga kulay sa paligid

Mga puso ay busog sa pagsasalo sating tunay na pag-ibig

 

Bridge (2x):

Mahuhulog ka ba sakin para mabuo ang mundo kong umiikot sayo

O mahuhulog ka sa mundo kong umiikot sayo para ito ay wasakin

 

Hook:

Makita ko na sana

Ang tunay mong liwanag

Hindi lang repleksyon

Pagkat nababagabag

Baka ilusyon

Lang ang nababanaag

Sana balang araw

Sana balang araw

Makita ko na sana

 

Verse 2:

Plano ko lang naman, ay ika'y makahawak

Kamay sa oras kung kailan malakas ang hatak

Doon sa tubig alat, naglalakad habang pinagmamasdan kung pano tayo sundan ng buwan

Natabunan na ng buhangin

Mga pangalan nating nakasulat sa baybayin

Hindi bali sa tabi ko'y mas maganda ang tanawin

Laylayan niya'y sinasayaw ng hangin

At sumasabay sa agos

Nakangiti habang sa akin siya'y umiikot

Sa ganda ng pangyayari ay muntik nang makalimot

Lahat ng ito pala ay malapit nang matapos

Hanggang dito nalang oras natin na nakaw

Mawawala ka rin pala pagdating ng araw

Magaabang nalang kasabay ang mga alon

Magkita nalang tayo sa paglipas ng dapit-hapon

 

Repeat bridge

 

Repeat hook (2x)



OTHER LYRICS

Plazma vs KJap (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Grain Assault 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

Fuck Buddy

Fuck Buddy
Bosx1ne
2017 Single

Kulog

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Maghihintay

Maghihintay
Dougmino
2019 Single

Nakakapanibago (feat. DB)

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

FEATURED ARTICLES