Single

G Wolf


G Wolf
Flow G
2021

Verse 1:

Alam ko na isa 'to sa namiss niyo

Yung ako'y magpaka-beast pero atleast

Lagi pa ring nasa list, kahit walang ni-release

Yung mga diss buti na lang natiis ko kahit nakakainis

Sa Unli pa lang ay panis na, wala 'kong kailangan i-please

Ako lang ang di lumusog pero yung sulat busog

Yung beat ay palaging sunog

Di na sumusulat ng hindi magkakatunog

Di pa ba kayo nakatunog

Sa'kin lang kayo makakanood na yung tsamba magkakasunod

Kaya halatadong tulog pa

Yung taong nagsabi sa akin di pa ako hubog

Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (Wow!)

Mga ugok (ugok), magkakasabay na bulok (—lok, —lok)

Di kami yung dahilan kung bakit di na kayo patok (Di)

Sadyang di na pasok dito yung mga tira pasok

 

Verse 2:

Napakadami ko naalog

Simula nung nakita nila akong tumula napadabog

Lahat sila sa'kin pasugod

Totoo pala ang inggit ay di na kaya magamot

Ako lagi tampok ng mga tunog hambog, laging may nag-aamok

Kahit na wala ko inalok may sumasagot

Hoy ano ba naman ambot

Para sa buong sumuntok, mga pumutok

Pero sa pangalan namin nakabuntot

Mga kumurot puro abog ang mga tunog

Na akala nila kabute sumulpot

Malamang sa malamang ay mauna pati sila mauntog

Bago pa makarating sa tuktok

Sira tuktok, panahon niyo na maudlot

Kasi kami na ang taga-tuldok

 

Bridge:

Oh sige namnamin niyo lang

Pero pagtagal malalaman niyo rin ang sumatutal

Kung gusto niyo mapansin, sige lang

Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular

 

Hook:

Hoy di 'to madali boy, wag niyo na 'kong kine-kengkoy

Di ko na rin kayo ka-lebel, oy

Malaki na ang kaibahan (malaki)

Kahit magtanong ka ba sa iba diyan

Basta may alam, alam niya na yan

Jusko naman pag di pa inamin ewan ko na lang

 

Verse 3:

Oh sige ito pa baka bitin ka pa sa naririnig mo ngayon

Ito yung tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon

Di 'to para sa palakpakan, gusto ko lang ipangalandakan

Na hindi lang ako pangkalmahan na kantahan

Yun ang hindi niyo nalaman

Yun lang ang ginawa kong hakbangan

Hanggang sa nagka-pangalan

Habang yung iba pang kunwaring nababawan

Ginawa akong hagdanan ang daming nakulangan, nahinaan

Kailangan ko pa yatang pakitaan

Kaso nga lang di na bali baka sa'kin pa madaming mayabangan

Di mahulaan yung tugma, di lang sa dulo may suntok

Pati sa gitna mula umpisa, may pino-punto 'to (Boom)

Magaling na sana sila kung di natututo

Dahilan ba't nawalan ng papel yung iba at yun ang totoo

Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat

Dire-diretso ang lakad patunay na mga paa'y sa lapag nakatapak

Banat nang banat hanggang matupad lahat ng mga balak

Mapasa-kamay ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak

Kasi nga ganon naman talaga dapat (Damn!)

Sa dami ng pinakalat, eh bakit ang dami pa rin nasasabi na lait

Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa'min sila lumalapit

Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik

Di ka na dapat nagagalit, kung di mo gusto makisabit

 

Outro:

Oh gusto niyo ng flex, sige ito pa yung next

Tignan niyo na lang kung sino 'yung naka-abante (Naka-abante)

Kita naman kung sino yung naka-diyamante (Ice, ice)

Daming nagkalat sa kalye, feeling higante

Pero kapag umatake, mas mabango pa yung tae ng elepante

Akala ko ba magaling bakit nand'yan pa rin (Nandiyan pa rin)

Tignan niyo na lang kami, layo na ng narating

Mula nung kami dumating

Lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene

Nakita kasing iba yung nagmamagaling sa tunay na magagaling



OTHER LYRICS

Rubber Dickey

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

R.I.P. (Rot In Pain)

Aether EP
DB
2018 Album

Paano Na Kaya

Paano Na Kaya
Zikk
2010 Single

A Butter For Mother

A Butter For Mother
Space Impakto
2017 Single

Tukso (feat. Sickreto)

Tukso
Doughmino
2019 Single

FEATURED ARTICLES