Album

Galit


Sige Simula
Tatz Maven
Producer: Tatz Maven
2020

Verse 1:

Ugh

Ganito ba ang pakiramdam

Ng isang taong wala nang pakealam

Parang papaslang para sa tiyang kumakalam

Kung ayaw mabiktima aba'y tumabi ka diyan

Dahil kumakati na ang daliri kalibitin ang gatilyo

At ang isip ko ay kasing kulay na ng anino

Naghukay ng libangan para ilagay ko dito

Ang isip na positibo di na alam kung sino ako

Di makatakbo nang otomatiko

Isip di na matino

Malinaw na mali na mga sinasabi ko

Mukhang halimaw na nga ang nasa mikroprono

Pero di papuri sa sarili ang ibig sabihin

Ito ay pagbura ng pag-ibig sa mga sasabihin

Sasagasaan ang pag-asa't kanyang pupunitin

Ang papel ng karunungan di na siya patitigil

Sino bang umudyok na magpakita sa kanya

Ngayon sa kanyang titig ako ay nabihag na

Na para bang batubalani, lapit lang nang lapit

Sa galit naakit at di na alam kung bakit

 

Chorus:

Kaya wag mo kong itulak maging ganito

Kase pag nasimula'y di na makahinto

Di na mapigilan gawin ang kanyang gusto

At tuluyang burahin maging sino pa man kayo

Kaya wag mo kong itulak maging ganito

Kase pag nasimula'y di na makahinto

Di na mapigilan dalhin ng panibugho

At tuluyang burahin kung sino man talaga ako

 

Verse 2:

Sige takbo at dumako ka pa ron

At sabayan ang lakad ng sariling prusisyon

Kaya ano ka na ngayon, walang matatakasan

Ulo'y matutulad sa baryang tinatapon sa daanan (Haha)

Teka lang hindi to aking salita

Alam mo na hindi ko to kaya na magawa

Biglang sakal nang mahigpit, pinayakap sa tinik

Pinako patiwarik habang ulo ko sumasayad

Sa lupa ika'y magdurusa

Kung di mo yakapin nang kusa

Ang galit na biyaya

Sayo pinaubaya hindi mo ba nakuha

Ikaw na ito

Wag mo na itanggi at alam mo to nang buo

Na ito'y pelikulang hindi pabor sa iyo

Kaya palamon sa dilim, tapos na palabas na to

 

Repeat chorus

 

Interlude:

Anong tingin mo sa sarili mo

Na kaya mong burahin

Lahat ng negatibong tumatakbo sa isip mo

Na ika'y parang diyos

Na kaya mong patawarin lahat ng nagkasala sayo

Wag ka magpakamangmang

Dahil tao ka lang

At wag mo itanggi

Gusto mo rin ang pakiramdam

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ronda Kalsada

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

Shantidope (feat. Gloc-9)

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

Pancit Canton

Pancit Canton
Young Kael x Jom Ouano
2018 Single

Duelo (feat. DJ Buddah)

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Murderous Material

Post Mortem Ambush
MurderDeathKill
2014 Album

FEATURED ARTICLES