Album

Sige Simula


Sige Simula
Tatz Maven
Producer: Tatz Maven
2020

Sige simula 'tong bating panimula

Walang ginamit na tinta boses ko ang paglagda

Patunay may di naisulat na itinakda

Kaya sa oras marinig mo to di na 'ko isang banta

Ito'y pagsilang ng mga tulang

Buburahin ang bulaang propetang dumudura ng itim

Gusto lang maangkin ang panandaliang kayamanan

Pero di kayang gawin ang maging

Supremo sa duelo, wala nang papremyo

Di naakit sa pabuya 'pagkat utak nakasentro

Sa walang kapantay, ipinaubaya sa itaas

Kundi siya ang nagsilbing gabay para maging si itaas

Ang ako, hari ng mundo

Yan ang titulo ng unang berso aking binuo

At yun ang nagsilbing senyales na kayo'y makikinig

Na bawat salitang mahalaga parang huling sandali

 

Parang huling sandali

Pero di kailangan na ako'y magmadali

Dahil walang panahon para sa pagkakamali

Bawat tsansa ay pag-asang matamasang magwagi

Kaya ngayon, paa'y di nakabaon

Sa hukay, nasa tunay na 'kong destinasyon

Di na malimita ng kahit anong limitasyon

Ito'y sugod pasulong na para bang rebolusyon

 

Dominasyon

Heneral ng aking henerasyon

Di na matibag aking dedikasyon

Kung tingin mo mayabang problema mo na yun

 

At sa isang paraan

Lahat ng harang sa daan kaya nang laktwawan

Dahil bawat obrang nilikha ay daragdagan

Ng buhay, matuturi mo 'tong aking kaarawan

 

Sige simula

Sige simula, sige simula, sige simula

Sige simula, sige simula, sige simula

Sige simula, sige simula, sige simula

Sige simula, sige simula, sige simula



OTHER LYRICS

Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D

FlipTop presents: Tournament Semis
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

Blink

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Di Laging Sunday (feat. 6reylan6it, Bhosxz, & Homiewun)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Pagbalik

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

Live Evil

Aether EP
DB
2018 Album

FEATURED ARTICLES