 
													Chorus:
Maghihintay daop palad ang kamay
Habang ako ay nag susunog atay
Maghihintay daop palad ang kamay
Habang tayo ay paikot ikot lang kakaumay na
Verse 1:
Alcohol saking dugo atay malinis na
Ayoko na ngunit heto pinipilit pang
Bumangon at sumabay hanggang sa dulo
Sa tama mong ang sakit sa ulo 
Lasa mo'y inabuso ka pinaikot tas siniraulo ka
Grabe napataas ata ang tagay ko
Kesa magisip nanaman ako tungkol saten 
Humantong sa di mo akalaeng 
Palayain ka sang araw babalik pahuhupain lang 
Pala gamitan ng pekeng etiketa 
Pinaikot na parang pedal ng bisikleta
Ngunit ayos lang kasi naman ano
Sa ganda mo tila nakabato
Ako ng anghel dun sa kalangitan 
Na bumagsak dun sa putikan 
Walang kapaguran walang katapusang ko bang itatago sa lilim
Mga pabutas mong 
Tinagpi tagpi ko baka iwan mo ako nang lihim
Kaya ako'y nagpapakaayos
Konting pagkakamali kasi alam kong matatapos
Kailan kaya makakaraos sagutin mo naman
Nga pala ayaw mo nang pinangungunahan ka kya
Repeat chorus
Verse 2:
Bakas ang kalyo sa tuhod lagi kang nakaluhod
Sa pwesto mong yun ay dahan dahan akong nauupod
Kung ang dagat ay may pusod 
Ay handa akong malunod 
Diba isang text mo lang kahit baha akoy tanga na susugod
Di naman sa hindi ko maintindihan 
Diba walang tayo pero may papel
Na nagsasabing tayo 
At pag kailangan lang natin na pagbigyan 
Ang pasalubong maghanda ka na at magsasabong tayo
Sa laro na kung saan uso ang taguan ng singsing
Magkakabit na lamang ako ng mga sabitan sa dingding
At kung tayo man talaga 
Bat di natin bigyan ng buhay
Ang labo mo sa pangako mo ay lagyan mo naman ng kulay
Wala nang katapusan tila wala nang kabuluhan halos
Tibok ng yong puso kinakapa't pinupulsuhan
Kung andiyan ka pa ba para saken ay hindi ko na alam 
Kung babalik ka sa mundo ko ako ay...
Repeat chorus
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																					